Notice: file_put_contents(): Write of 625 bytes failed with errno=28 No space left on device in /www/wwwroot/muzbon.net/system/url_helper.php on line 265
Apokalipsis - Digmaan | Скачать MP3 бесплатно
Digmaan

Digmaan

Apokalipsis

Альбом: Apokalipsis
Длительность: 4:04
Год: 2000
Скачать MP3

Текст песни

Umiiyak ka nanaman sa isang tabi
Di kana makakain at di kana makatulog gabi gabi
Di ba sinabi ko sayo problema lang yan
Hindi ka papipigil lumakas man ang ulan
Kahit iniwan kang nag iisa, ayos lang yun
Parang gulong ng buhay, lagi laging merong tanong
Ang kasagutan hanapin ang pintuan ng kaligayahan
Matatanaw mo ang daanan
Magdahan dahan Maging matapang
Handang madapa na parang bata
Matutong lumakad hanggang sa magsalita
Ganyan ang buhay lahat pinapasan
Unti unting malalampasan mga pasakit at hapdi
O bakit nga ba hindi lumapit magmadali
Sa Diyos ang awat pagpapala sa kanya may ngiti
Ito ang payo ko sayo pabaon ko sayo
Nandidito lang ako basta hindi ka lalayo

Wag kang umiyak punasan ang luha
Sisikat din ang araw ang ulan ay huhupa
Wag kang umiyak punasan ang luha
Sisikat din ang araw ang ulan ay huhupa
Wag kang umiyak punasan ang luha
Sisikat din ang araw ang ulan ay huhupa
Wag kang umiyak punasan ang luha
Sisikat din ang araw ang ulan ay huhupa

Sisikat ang araw at lulubog at minsan uulan maputik
Para bang buhay natin at parang guhit ng palad
Mapalad ang katulad mo sanay sa alat
Lalaban kahit olat kahit ba puno ng balat
Kung Iniwan ka at sya ay nakipaghiwalay
Wag na wag mong gagawin na tumalon sa tulay
Wag na wag mong babalakin na mag isip
Na mag itim Kapag nagigipit
Wag kakapit sa patalim baka ka masugatan
Magdahan dahan, bitawan mo yan
Sinusubukan lang tayo ng Diyos kaya mo yan
May iba dyan mas lalo pang nahihirapan
Nagtitiis mabuhay sa gitna ng lansangan
Merong dina kumakain ng tatlong beses sa isang araw
Merong nakakulong hanggang ngaun wala pang dalaw

May pag asa buhay mo dipa tapos
Hindi natutulog ang ating Diyos, buhay ang ating Diyos

Wag kang umiyak punasan ang luha
Sisikat din ang araw ang ulan ay huhupa
Wag kang umiyak punasan ang luha
Sisikat din ang araw ang ulan ay huhupa
Wag kang umiyak punasan ang luha
Sisikat din ang araw ang ulan ay huhupa
Wag kang umiyak punasan ang luha
Sisikat din ang araw ang ulan ay huhupa

Ilang taon lumipas nagbalik ka
Ni sulat o balita ni anino mo ngayon ko lang nakita
Masaya ako kase nalagpasan monang lahat
Bigla akong nagulat ng malaman ko na
Pumapatak nanaman ang ulan sa tagiliran ng iyong mata
At napayakap ka hindi mo naman masabi
Pero nababakas ko sa puso mo
Wag kang susuko kinakailangan magtiis di tayo
Pantay pantay parang daliri sa kamay
Mayaman man mahirap man nararamdaman
Ang mga sugat puro hinagpis
Anumang pait ng buhay may matamis na bukas
Pero hindi magwawakas ang lahat kung tatakasan

Dapat mong malaman tayoy tao lang nasusugatan
Bukas makalawa o sa susunod pa
Muling Magkita nandito lang ako
Pero sabay tayong luluha

Wag kang umiyak punasan ang luha
Sisikat din ang araw ang ulan ay huhupa
Wag kang umiyak punasan ang luha

Sisikat din ang araw ang ulan ay huhupa
Wag kang umiyak punasan ang luha
Sisikat din ang araw ang ulan ay huhupa
Wag kang umiyak punasan ang luha
Sisikat din ang araw ang ulan ay huhupa