Notice: file_put_contents(): Write of 650 bytes failed with errno=28 No space left on device in /www/wwwroot/muzbon.net/system/url_helper.php on line 265
Asin - Hangin | Скачать MP3 бесплатно
Hangin

Hangin

Asin

Длительность: 4:02
Год: 1994
Скачать MP3

Текст песни

O hangin (o hangin)
Pinayapa mo ang aking damdamin
O hangin (o hangin)
Nilutas mo ang aking mga suliranin

Hanging maitim ang nasa bayan
Likha ng usok sa pagawaan
Ito'y 'di mo masilayan
Dito sa bundok at kabukiran

Punong kawayan ang aking nakikita
Buhay ng karamiha'y sa kanya gumagaya
'Di tiyak kung saan pupunta
Bawat galaw hangin ang nagdadala

O hangin (o hangin)
Pinayapa mo ang aking damdamin
O hangin (o hangin)
Nilutas mo ang aking mga suliranin

Aking himig inyong maririnig
Sa hangin na nasa paligid
Kasabay sa ibong nagliliparan
At kaluskos ng dahon sa palayan

Buhay ko'y katulad niya
Kung saan-saan napupunta
Dahil sa himig na aking dala
At sa hawak kong gitara

O hangin (o hangin)
Pinayapa mo ang aking damdamin
O hangin (o hangin)
Nilutas mo ang aking mga suliranin

O hangin (oh oh)