Dakila Ka Ama (Feat. Ruth Regine Reyno)
Asop
4:14Sa paggising napuputol ang ano mang panaginip At ang taong naghihintay umaalis ‘pag nainip Kagustuha’y nagbabago paghanga’y pwedeng mag-iba Lahat panandalian lamang talaga Nauubos ang salapi kapag ito’y ipinambili Ang bago ay naluluma ang pagtanda ay madali Trabaho ay natatapos katanyaga’y lumilipas Ngunit kabutihan mo’y hindi magwawakas Panginoon walang kang katulad ‘Di nagbabago ang biyaya mo’y sapat Pag-ibig mo’y walang hanggan Ika’y ‘di mapapantayan Panginoon oh wala kang katulad Maaaring malimutan ang taglay na karunungan Paghina ng kalakasan ay ‘di maiiwasan Ganda ay kumukupas ang yaman ay maiiwan Ngunit ang awa mo’y magpakailan pa man Wala ngang matatagpuan na isang katulad mo Nananatili kang tapat banal dakilang totoo Marapat ka na sambahin ibigin ng buong puso O Diyos ang awit na ito’y para sa’yo Panginoon walang kang katulad ‘Di nagbabago ang biyaya mo’y sapat Pag-ibig mo’y walang hanggan Ika’y ‘di mapapantayan Panginoon oh Panginoon walang kang katulad ‘Di nagbabago ang biyaya mo’y sapat Pag-ibig mo’y walang hanggan Ika’y ‘di mapapantayan Panginoon Panginoon Panginoon (wala kang katulad) Wala kang katulad Wala kang katulad oh (Panginoon wala kang katulad) Wala kang katulad