Gastador (Feat. Supreme Fist)
Blkd
3:07Si Berto ay kabataang kasama Lumaking katu-katulong ng amang magsasaka Sa pagpapabunga ng lupang 'di kanila Sa laki ng upa halos wala nang matira sa kita Kaya matapos ang pangatlong bagyo Matapos mamatay kaniyang amang byudo Pagka't Panginoo'y walang sinasanto Sa pagbubuwis, siya'y lumayas Siya'y nagpasiyang lumikas sa Maynila Pag-aangat ng kabuhayan ang adhika Handang makipagsapalaran sa syudad Kung san umano mas may oportunidad Kaya't isang tahimik na gabi ng Disyembre Baon ay isang kabang bigas at bente Siya'y nag-jeep, handa nang maglaboy Dinukot niya ang bente, ibinayad kay Bhoy Si Bhoy ay tsuper ng jeep Nakikipasada lang kaya graveyard shift Baon sa mataas na boundary at gasolina Kapag walang mahiram na jeep, wala siyang kita Kaya ngayong pagkagipit niya ay sumaklap Pampakain, pampaaral sa walong anak Pambuhay sa pamilya, pangkotong sa parak Kaysa raw magnakaw, siya'y bumatak Siya'y namasada nang dalawang araw Tuloy-tuloy, walang antok na dumalaw Sinaid ang lakas ng katawan Para lang masulit nahiram na sasakyan Biglang umatake pagod niya sa byahe Pagsakay ni Berto, agad umabante Tinanggap ang bayad, paningin ay hazy Tinitigan ang bente, isinukli kay Baby Si Baby ay saleslady High heels, low pay, eight hours daily Kontraktwal, kada anim na buwan Mangangaso na naman ng mapapasukan Ngayon kabuwanan na ng kaniyang kontrata At ng kaniyang pagdadalang-bata Wala pa namang katuwang na asawa Kaya't lumuluha siyang pumara Siya ay nagtapos ng IT Pagkakaron ng akmang trabaho pala'y unlikely Nabuntis nang wala sa plano Kaya nagtiis sa ibang trabaho Ngayon pauwi sa may eskinita Siya'y naglalakad nang biglang hinila Punyal sa leeg, bantang sasaksakin Dinukot niya ang bente, isinuko kay Ben Si Ben ay batang maralita Tubong komunidad na takda nang magiba Sa hirap ng buhay 'di nakapag-aral Sa murang edad siya ay nangalakal Ngunit nang magkasakit batang kapatid Ultimo pangkain ay 'di na maitawid Hindi patas ang buhay, kaniyang nabatid Kaya't sa patalim, siya'y kumapit Siya ay nangholdap gabi-gabi Mabilis ang pera at malaki-laki Isinusugal ang buhay at kalayaan Para lang sa kapatid na inaalagaan Pagkakuha niya sa buntis ng bente Siya'y tumakbo diretso sa palengke Bumili ng bigas, humingi ng diskwento Dinukot niya ang bente, ibinayad kay Berto