Awit Ng Paghahangad (Salmo 63)
Darwin Lomentigar
4:06Oh, Diyos, Ikaw ang laging hanap Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad Nauuhaw akong parang tigang na lupa Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga Ika'y pagmamasdan sa dakong banal Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal Dadalangin akong nakataas aking kamay Magagalak na aawit ng papuring iaalay Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay 'Pagkat ang tulong Mo, sa t'wina'y taglay Sa lilim ng Iyong mga pakpak Umaawit akong buong galak Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo Kaligtasa'y t'yak, kung hawak Mo ako Magdiriwang ang hari, ang Diyos, S'yang dahilan Ang sa Iyo ay nangako, galak yaong makakamtan Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay 'Pagkat ang tulong Mo, sa t'wina'y taglay Sa lilim ng Iyong mga pakpak Umaawit, umaawit Umaawit akong buong galak