Sa Gitna Ng Ulan (Feat. Smugglaz & Vlync)

Sa Gitna Ng Ulan (Feat. Smugglaz & Vlync)

Curse One

Альбом: The Singles
Длительность: 4:41
Год: 2017
Скачать MP3

Текст песни

Hindi ka kawalan sa akin
Pakiusap lang, tama na, tumigil ka
Hindi na kita mahal
Wala man ako sa piling mo
Heto, masaya pa din naman ako
Makausap man kita, 'wag mo nang tatanungin sa 'kin
Kung pupuwede pa ba
'Di na puwede pa
Ikaw kasi
Ayoko na sa 'yo

Aba, okay 'yon, ah?
Oo nga, eh, gawin na nating kanta, Curse, ikaw, Vlync?
Oo, gawan na natin ng kanta, Smugg
Sakto, may JEBeats ako
Oo nga, 'no?
Puwede ba?
'Di na puwede
Bakit naman?
'Di na nga kasi puwede
Sinayang niya, eh, sinayang niya

Ooh-whoa, whoa, ooh-whoa
Oh, whoa, whoa, whoa
(Martial Camp Records Entertainment)

Kabigha-bighani ang mga pangyayari
Sa buhay ko nang dumating ka na
Oras ko'y ang bilis na ng takbo
Whoa, whoa
Unti-unti nang nawalan ng sigla
Habang tumatagal ang panahon

Tila ang lamig mo na sa 'kin, ayaw mo na sa 'kin
'Di nagkatotoo 'yong
Hiniling natin no'ng may dumaan na tala sa 'ting dalawa
Iniwan mo akong luhaan
Sa gitna ng ulan
Ngayon, umasa kang wala ka nang babalikan

Sa gitna ng ulan
Kinausap mo ako, at sabi mo
"Ang sigaw ng puso mo'y ako, mahal"
Sabik sa piling mo
Binibini ko, totoo, titigan mo ang aking mata
Mahal pa din kita, kaso 'di na puwede pa

Pagkatapos matapos, maubos, at maibuhos
Lahat ng sa 'kin sa 'yo, oh
Muli kang babalik kung kailan masaya na 'ko
At limot na ang mga dulot mo
Mga sakit ng dulot ng nakaraang kabaliwan
Matuturing na ngayo'y tinatawanan ko na lang
Sayang at 'di ako nakasabay sa 'yo
Sa larong pinagbidahan mo't pinagbidahan ko

'Kala ko pa naman ay ikaw na
Katangahang ibigin ka
'Yan ang tangi kong nalaman mula nang aking nalaman
Na 'di tayo para sa isa't isa
Matapos mong lasunin ang damdamin ay
Sasabihin mong ako'y mahal mo
Kaya ko pa namang umibig at muli sanang magpatawad
Kaso ay hindi sa 'yo

Sa gitna ng ulan
Kinausap mo ako, at sabi mo
"Ang sigaw ng puso mo'y ako, mahal"
Sabik sa piling mo
Binibini ko, totoo, titigan mo ang aking mata
Mahal pa din kita, kaso 'di na puwede pa

Isang lingon na lang para
Ika'y makalimutan na
Wala naman sa 'ting hadlang
Sadyang pinabayaan lang
Ang lahat naman ay nilaan ko para lang sa 'yo
'Yan na ang una at huling malaking pagkakamali ko na nagawa
Tila ba ang pangarap ko'y biglang nag-iba
Pero kahit na magbalik ka pa
Ang tanging sigaw ng puso, "Hindi na puwede pa"

Sa gitna ng ulan
Kinausap mo ako, at sabi mo
"Ang sigaw ng puso mo'y ako, mahal"
Sabik sa piling mo
Binibini ko, totoo, titigan mo ang aking mata
Mahal pa din kita, kaso 'di na puwede pa
Sa gitna ng ulan

Hindi ka kawalan sa akin
Pakiusap lang, tama na, tumigil ka
Hindi na kita mahal
Wala man ako sa piling mo
Heto, masaya pa din naman ako
Makausap man kita, 'wag mo nang tatanungin sa 'kin
Kung pupuwede pa ba
'Di na puwede pa
Ikaw kasi
Ayoko na sa 'yo