Pagbitaw
Dear Juliet,
4:23Habang ako'y palabas ng tahanang ito Bumalik ang lahat ng ala-ala nating dal'wa Sabi mo sa akin, hindi maghihiwalay Di pala dapat ako umasa sa'yo Dinurog mo ang puso ko Ngunit bakit hindi kita maiwan? Sa pag-agos ng bawat sandali Sinasabi sa sariling, "tapos na, tapos na" Tayo'y di naman tinadhana Wag mo nang saktan pa Ang puso'y palayain mo na Oh kay sakit ng ating kinahatnan Di ko kayang makita ang luha sa'yong mata Akala ko'y kaya ko nang bumitaw Lumayo, sa'yong piling, oh aking sinta Dinurog mo ang puso ko Ngunit bakit hindi kita maiwan? Tinangay ng hangin ang tinig ko Sinasabi sa sariling, "sumuko, sumuko na" Itinapon na ang pagmamahal Ito na ang huli, ako ay palayain mo na Bakit parang kasalanan ko pa? Na sa bawat yakap mo'y napipilitan na lang Hindi na bumalik ang kislap ng bituin Sayong mga mata, mga mata Hindi naman ikaw lang ang nagtitiis Wala na nga rin ang tamis ng 'yong halik Hindi ka na maramdaman Manhid ka ba? At ngayo'y nagising mula sa pagkahimbing Ikaw ang pabigat sa aking pag-hinga Sa pag-agos ng bawat sandali Sinasabi sa sariling, "tapos na, tapos na" Tinangay ng hangin ang tinig ko Sinasabi sa sariling, "sumuko, sumuko na" Mahal ko, hindi ko na kaya pang Ipaglaban ang pag-ibig na dati mo nang sinira