Katabi
Earl Generao
4:17Hmm Tururururururu Lalalalalala Lalalalalala Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik Tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo Sa gitna ng kaguluhan may kumukulong bulkan Di mapigil ang yabang at sakdal na kasakiman Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya Kung kaya kang paikutin tiyak paiikutin ka Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob Ang pag ibig na hawak mo'y hindi malulubog Lumiyab ka Lumiyab Lalalalalala Lalalalalala Sa gitna ng kadiliman may buwitreng nagmamasid May magbabato ng putik ngunit walang mayayanig Iiyak ang mga batang nahulugan ng kendi Lahat ng mga problema’y sa iba sinisisi Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik Itinuring mong kaibigan na pinakamatalik Leeg mo'y pupuluputan dugo mo'y sisipsipin Kapag wala ka nang pakinabang ending mo ay sa bangin Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob Ang pag ibig na hawak mo'y hindi malulubog Lumiyab ka Lumiyab Lumiyab Lumiyab Tuwing hatinggabi maririnig mo ang huni Ng mga kaluluwang naliligaw Lahat ng pera sa mundo hindi kayang gawing ginto Ang huwad na tao Ang mga tinig palakas nang palakas Hanggang gumuho ang mga hadlang Ang mga tinig palakas nang palakas Hanggang gumuho ang mga hadlang Saksi ang langit sa lahat ng naganap Saksi ang langit sa ikalawang yugto Lumiyab ka Lumiyab Lumiyab Lumiyab Sa ngalan ng katotohanan (lumiyab) Sa ngalan ng iyong dangal (lumiyab) Ang puso mo'y iyong isipin (lumiyab) Ialay mo sa Maykapal Lalalalalala Lalalalalala