Kapanganakan
Emar Industriya
2:52Yeah, yeah, yeah Mauuga ang mahuhunang Haligi ng mga anay Na nagsisiraan ng matutusta Nakalista sa tubig ang Guhit ng palad ng mga huwad Ay gurang Kusang mabubura Nabubulok na ang inalburo ko sa sakong pinataba nalang sa lupa Kung hindi klaro ang lakas ay bitin Di nanga nakahapyaw nadapa Nang inusisa Tinaguriang tirador ng promotor Kahit mga balatkayo babalatan Mapagkunwaring pumapabor Kahit mapamulat ka bubulagta sa putikan At i—alog ang mga ulo Mga pugot lang ang aking pagtitigan Kung nasa loob yang kulo mo Tutunawin na kita bago pa Magkainitan Silaban ang mga ahas sa gubat Walang lasong ang kagat, hindi nakakasugat I—angkas ang sarili di mabuhat Asal mabigat ngunit nagpapahatak At ikaw na ang bumunot ng punyal kong itatarak Nang maging madugo ang bakas na tinatahak Kumukulay sa dilim, pailalim at mala dagat Nang sumisid naglutangan kitid ng mga lumawak Nandarambong sa paligid Pinaniwalaan ang mga mahinang isip Sa punong may mapapala naka lambitin Naputulan ng sanga pinulupot sa litid Pinatubong sungay di tumulis, nabitin Salitang ko ang pundasyon ng inyong awitin Mga lintang sipsip kung kumikib Kahayupang nakatago sa pag—ibig Inakala nilang sila ang tunay At totoo Malabong kulay Dukutin ang pangatlo Pila'y ang patunay na hiram Ang mundo At itanim sa kukuting ang ugat nito'y ako Dahil di lang ikaw ang diwang ligaw Sa bilang, ikaw Hindi lang ikaw ang diwang ligaw Kabilang Bagamat naka—atang na hatol at kaparusahan Paangat hihilain para sa taas gilitan At maambunan ng dugo yang kalupaan Ang hinirang na napabilang ka rito'y Kumalas ang kaisipan Nabahag at naalog sa labanan Ng panitikan Kaya pakilupitan kung hindi Ay papalag kang babalatan Ng wala nang balikan Sandalan ang karit ng kaalaman Na kanilang napagsaluhan nang nagkagutuman At nahirina na malalambot na kumon Nag—iba ang ruta ng mga Tutang utusan Dito nako tinubuan dito rin tinagpasan Higit na sa higit Higitin kong mahigitan Paspas kapa sa linya Mundo kong pinapasan Pasan pa man ang walang kamatayang Ang nilagdaang alaala Pasan pa man ang walang kamatayang Ang nilagdaang alaala Ikaw na ang bubunot ng punyal kong itatarak, itatarak, itatarak Ikaw na ang bubunot ng punyal kong itatarak, itatarak, itatarak BISTAY! Ikaw na ang bumunot ng punyal kong itatarak Nang maging madugo ang bakas na tinatahak Kumukulay sa dilim, pailalim at mala dagat Nang sumisid naglutangan kitid ng mga lumawak