Notice: file_put_contents(): Write of 625 bytes failed with errno=28 No space left on device in /www/wwwroot/muzbon.net/system/url_helper.php on line 265
Ernesto Maala Jr - Tiyak | Скачать MP3 бесплатно
Tiyak

Tiyak

Ernesto Maala Jr

Альбом: Tiyak
Длительность: 3:54
Год: 2022
Скачать MP3

Текст песни

Sa tuwing ika'y titingin sa akin
Ang diwa'y lumilipad sa kakaisip kung posible
O 'di kaya'y hindi pupuwede?
Inaantay na mauna ka, sa akin ay ililihim ba?
Magwawalang-kibo na lamang ba?

Mahuhulog ba ang puso ko sa 'yo?
(Nahuhulog ang puso ko sa 'yo)

Sabihin na ang laman ng 'yong isip
Nalilito na 'ko kaiisip
Ngayon ko lang muling naramdaman
Ang bugso ng damdamin

Kung 'di tiyak ay 'wag nang pahabain
Sabihin na nang deretso sa akin
Ayoko lang umasa nang husto
Masakit sa damdamin

Binibigyan ng kahulugan ang mga salitang binibitawan mo
Tumitigil ang mundo
Sa bawat galaw na sinusundan, may pahiwatig ba o ako lang naman?
Ang nais ko lang ay malaman mo

Mahuhulog ba ang puso ko sa 'yo?
(Nahuhulog ang puso ko sa 'yo)

Sabihin na ang laman ng 'yong isip
Nalilito na 'ko kaiisip
Ngayon ko lang muling naramdaman
Ang bugso ng damdamin

Kung 'di tiyak ay 'wag nang pahabain
Sabihin na nang deretso sa akin
Ayoko lang umasa nang husto
Masakit sa damdamin

Sabihin na ang laman ng 'yong isip (laman ng 'yong isip)
Nalilito na 'ko kaiisip ('ko kaiisip)
Ngayon ko lang muling naramdaman
Ang bugso ng damdamin

Kung 'di tiyak ay 'wag nang pahabain (pahabain)
Sabihin na nang deretso sa akin (deretso sa akin)
Ayoko lang umasa nang husto
Masakit sa damdamin (ayoko lang umasa nang husto)