Abakada
Florante
2:50May liwanag kung mayrong dilim May sagot kung may katanungan May hangganan nga ba ang isip Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon Hindi hayop hindi tao ngunit mayr'ong ulo Kadalasang kasama ay mga karpintero At kung ito'y ililibing sa kahoy o bato Kailangang pukpokin ng martilyo Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon Hindi hayop hindi tao mayrong buto't balat Mahaba ang bituka at itoy lumilipad Kapag hindi mahangin ito ay tinatamad Asahan mong ito ay sasadsad Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon May dila nga ngunit ayaw namang magsalita Kambal sila't laging kasama ang isa't isa Itali o igapos kahit higpitan mo pa Tiyak silang sa iyo ay sasama Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon Mayrong araw mayrong buwan hindi naman langit Mayrong katapusan ngunit muling nagbabalik Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi Wakas niya ay ipinagbubunyi May liwanag kung mayrong dilim May sagot kung may katanungan May hangganan nga ba ang isip Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon