Patangay
Guddhist Gunatita
3:26Maraming mga bagay saking pagkatao na di ko kayang aminin pasensya na kung minsan sobrang hirap kong basahin andaming pangyayari na diko din akalain kung bat gang ngayon nandito pako at nananalangin uma-asa na payapang buhay aking matamasa ramdam mo naman sa aking pinapasa enerhiya na dala ko ay pag-asa yeah diko din alam bat kailangan nating maging alipin sa mundong napakalawak ang sarili ay hanapin kailanman hindi nang-apak may malinis na hangarin parin ang magwawagi sa dulo at pagpapalain pagpatuloy mo lang kahit madapa ka nang pa-ulit ulit wag kang sumuko haba an mo lang ang pasensya mo at sipagan mo pa lagay mo sa isipan mo may gabay ni ama ayos lang maligaw wag mag-alala di madaling hanapin yung "ikaw" ganyan talaga sa sobrang daming pwedeng matanaw nakakatanga mahalaga nandito ka ngayon at humihinga ang kalakip non ay pag-asa na payapang buhay pwedeng matamasa ambilis ng panahon dimo mabasa paubaya nalang natin sa tadhana ako'y palaging uma-asa na payapang buhay aking matamasa bago pa ko na tuluyang mawala sa mundo ay magpapakalat ng pag-asa maraming mga bagay sating pagkabuhay na di natin akalaing maghahatid ng sugat at bigat sating damdamin wala tayong magagawa kundi ito'y yakapin at sanayin ang sariling maging matatag palagi sapagkat ang buhay ay mapaglaro't mapanlinlang hangga't humihinga kapa'y may tyansang masaktan pero ganon paman kahit paano'y gagaan ang pagkabuhay sa pamamagitan ng pagmamahal