Sikreto
Jamiela
3:54Oh, nahulog na naman At ako ang sumalo Pupunasan ang mga Luhang tumutulo 'Di ka pagtatawanan Tutulungan sa pagtayo Pagpagin ang dumi 'Di hahayaang dumugo Pasan-pasan sa sandali Pagod na ang mga binti Dala-dalang pighati Iibsan ang nararamdamang hapdi Ginamit lang palang bendahe Pantapal sa sugat mong kay lalim Sasamahan ka hanggang sa gumaling Sa huli pala ako ay tatanggalin (bendahe) Oh, bendahe Sa panandali Oh, bendahe Sino ang sugatan? Ayusin ang parte na ito Nakatingin sa nakaraan Huwag nanaisin tumakbo Oh, ako naman Nauubos na rin ako Wala na ang dikit Hindi pa ba lahat epektibo? Huwag naman ipagpalit Unti-unting naiipit Pag-ibig niya'y ipinagkait Kinukuha ko na ang sakit Ginamit lang palang bendahe Pantapal sa sugat mong kay lalim Oh, diyan ka ba magaling? Panakip-butas lang ang tingin sa akin (bendahe) Oh, bendahe Sa panandali Oh, bendahe Hindi ko na iniinda Mga salitang sumisira Bumubutas, bumibiyak Sa aking puso Pinagmukha lang akong tanga Wala na ngang natira Bigyang lunas Nawatak na ang pangako Ayun lang ay napako Ah-hah Ha Ah-hah Aray Ang hapdi Gusto ko nang bumigay Sandali Kailangan ko ng bendahe Sa iniwan mong sugat na kay lalim Nawala na siya sa tabi Nang ako ay dumaing Pahingi naman ng bendahe Kahit konti lang 'Di kayang buoin ang sarili Ako ay nasasaktan Mawawala iyan Palipasin ng ilang minuto Natutong iwasan Sana manhid na ako