Notice: file_put_contents(): Write of 656 bytes failed with errno=28 No space left on device in /www/wwwroot/muzbon.net/system/url_helper.php on line 265
Join The Club - Balewalang Pag-Ibig | Скачать MP3 бесплатно
Balewalang Pag-Ibig

Balewalang Pag-Ibig

Join The Club

Альбом: Gera Ng Balarila
Длительность: 5:46
Год: 2013
Скачать MP3

Текст песни

Mga puwang sa isipan
Mga kulang na 'di mapunuan
Oras na sadyang sinayang
Ngayon, ako ay wala nang matatakbuhan

Malimit akong masaktan, oo
Ngunit hindi na naisip ang para sa 'yo
Pasensiya na kung ako ay manhid
Alam kong kailanpama'y 'di na magbabalik

Ayoko nang mabuhay pa
Ayoko na

Balewalang pag-ibig
Na naglalaro sa 'king isip
Kahit na patunayan, parang lalong nasayang lamang

Balewalang pag-ibig
Natagpuan ko, subalit sinayang ko lamang
Pa'no natapos? Sa'n magsisimula?

Sundan ang bawat sumbat ng nararamdaman
Hanggang ako'y mawala at 'wag nang matagpuan pa
Ako ang bawat mukha ng pagkukunwari
Hayaang magdusa sa lubhang pagkakamali

Kung walang halaga na ang nakaraan
Ang luha ba ay akma sa mga pagkakasala?
Panalangin, ako'y palayain na
Sa alaalang iniwan mo akong mag-isa

Ayoko nang mabuhay pa
Ayoko na

Balewalang pag-ibig
Na naglalaro sa 'king isip
Kahit na patunayan, parang lalong nasayang lamang

Balewalang pag-ibig
Natagpuan ko, subalit sinayang ko lamang
Pa'no natapos? Sa'n magsisimula?

Mapaglarong (pag-ibig) kailan ka ba mawawala?