Nagbago Ka

Nagbago Ka

Jose Wally

Альбом: Try Mo Lang
Длительность: 4:19
Год: 2006
Скачать MP3

Текст песни

Alam mo, hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko, eh
Parang hirap-hirap s'yang alisin sa isipan ko, naguguluhan na 'ko
(Ako rin, pare, hindi ko na s'ya kayang tanggalin sa isip ko, habang-buhay)

'Di ko alam ang sasabihin
At 'di ko rin alam ang gagawin
Na 'di ka masasaktan at hindi magdaramdam
Saan ako maghahanap ng ibang paraan?

Lumalayo na lang 'pag ika'y katabi
Pinipilit na lang, ngunit mali
Hindi na kaya pang dayain ang nadaramang kabiguan
Na 'pag tayo'y magkasama'y lalo lang nasasaktan
Nagbago ka

May mga bagay na napakahirap ipaliwanag
Napakahirap isipin, lalong-lalo na, napakahirap tanggapin

'Di na tayo tulad ng dati
Parang 'di na rin ikaw ang minahal kasi
'Pag ika'y tinitingnan, ako'y nasasaktan
Iniisip ko na tama bang may iba na 'kong mahal

Lumalayo na lang 'pag ika'y katabi
Pinipilit na lang, ngunit mali
Hindi na kaya pang dayain ang nadaramang kabiguan
Na 'pag tayo'y magkasama'y lalo lang nasasaktan
Nagbago ka

Bakit? Bakit? Ano'ng nangyari sa 'yo?
Bakit ka nagkaganito?

Nasaan na ang dating halimuyak na inibig ko sa 'yo
Hindi ba't kay pait, parusa ba ito?
Dapat ko nang sabihin sa iyo

Lumalayo na lang 'pag ika'y katabi
Nanlilimahid ang suot mo kasi
Hindi na kaya pang dayain, pinuputukan ka na
Na 'pag tayo'y magkasama ay nilalangaw ka pa
Bumaho ka

Love, alam mo, matagal nang gumugulo 'to sa isip ko
Hindi lang sa isip ko, pati sa pakiramdam ko
Love, question, buhay ka ba?