Huwag Ka Nang Babalik

Huwag Ka Nang Babalik

Kakai Bautista

Длительность: 4:23
Год: 2021
Скачать MP3

Текст песни

No'ng ako ay iwan mo gumunaw ang daigdig
'Pagkat tanging sa 'yo lamang ang aking pag-ibig
Ngunit sa pagdaan sa paglipas ng taon
Ang pusong sugatan sa wakas ay naghilom

'Wag mo sanang biglain sa iyong pagbabalik
Ang idlip na damdamin ang puso kong natinik
Ang tamis ng pagsinta at init ng halik
Ang ibig madama 'di man umiimik

Pakiusap ko sa 'yo'y huwag ka nang magbabalik
'Pagkat itong puso ko ay sa 'yo pa rin nasasabik
Kung saka-sakali man akin nang nababatid
Sa 'yo'y mahuhulog lang kaya't huwag na huwag ka nang magbabalik

Kung saka-sakali man akin na nang mabatid
Sa 'yo'y mahuhulog lang kaya't huwag na huwag ka nang magbabalik

'Di ko kayang pigilin ang sigaw nitong damdamin
Labis man akong sinaktan ikaw pa rin ang aking mahal hoh