Philautia, Pt. 2
Carm
Oh Oh Gawa lang ba sa isip na malalim O sa imahinasyon ka lang ba galing Sana mag tapat kana at sa pag-amin Ay maging totoo ka sa akin Tunay ka nga ba talaga Pagkat wala kang katulad at kagaya sa Ganda nya na tulala ka sa pantasya na Dala dalagang may mukang kaaya-aya sya ang tipo Ng paraiso diwata ka na nandirito sa may kastilyong Ikaw na syang may ari diyosang aparisyon Himalang pangyayari iyo na syang ambisyon hiraya manawari Na hangarin at mga hiling sa kawalan yan ang dalangin at sya ang bitwin ng kalawakan Dasal sa hangin ang mga hindi mahahawakan Magandang tanawin sa hanggang tingin na lamang Para malinawang kathang isip to oh Dika parin makabitaw sa panaginip oh jusko Baliwalang ikaw nga raw ay hindi totoo Isang baliw na naligaw sa sarili kong mundo kaya tanong ko ay Gawa lang ba sa isip na malalim O sa imahinasyon ka lang ba galing Sana mag tapat kana at sa pag-amin Ng maging totoo para sakin Gawa lang ba sa isip na malalim O sa imahinasyon ka lang ba galing Sana mag tapat kana at sa pag-amin Ay maging totoo ka sa akin Muni-muni sa maling akala Guni-guni parang nagmamalik mata sa Tingin kaduda-duda nang magkatitigan Sya ay hindi makuha-kuha na palaisipan Nalinlang sa ilusyong hiwaga nya na pambihira Hibang sa delusyong ikaw lang ang nakakakita ng yong lihim Ng ganda itanggi nila man yan imposible Gaya ng pinaniniwalaang kalokohan lang na ang lahat wala rin At ayokong sanang makawala ka pa sakin Kanyang oo lamang ang kailangan at pag amin Sapagkat katotohanan ang magpapalaya satin Para malinawang kathang isip to Tila kahit maka bitaw sa panaginip oh jusko Balewalang ikaw nga raw ay hindi totoo isang baliw na naligaw sa may sarili kong mundo kaya tanong ko ay Gawa lang ba sa isip na malalim O sa imahinasyon ka lang ba galing Sana mag tapat kana at sa pag-amin (sa pag-amin) Ay maging totoo para sakin (yeah) Gawa lang ba sa isip na malalim O sa imahinasyon ka lang ba galing Sana mag tapat kana at sa pag-amin Ay maging totoo ka sa akin Maski umamin wala Lasap na lasap kahit walang patunay Damang dama marahil humaling na sa Lahat ng lahat ay nilagyan ng kulay Manghang mangha sa mga kasinungalingan na Panggap naganap nang bigyan ka ng buhay dalang dala Sapagkat maging kunwarian pa Ay tanggap kaya wala namang pake alam pa kung sya ay gawa