Eroplanong Papel (Feat. Smugglaz)
Loonie
3:54Oh-oh oh-oh May bangka ng magagaling Pero tinatahak nila landas na madilim Puro patibong para malaglag dun sa bangin Pera gusto ng mga pating Sobrang nakakaaning Magpatiwakal kaya gamit sariling angkla (angkla angkla) Pero ang tanong May ikakasa pa ba Meron pa Hanggang sa huling hininga Hanggang magtugma Ibibigay ko lahat Yung tao lang sa salamin aking kalaban Di pwede umiling (dahil inaasahan) Bitwin sisipatin Kahit tapak-tapakan May ikakasa pa ba (meron meron) May ikakasa pa ba (meron meron) Yung tao lang sa salamin aking kalaban Di pwede umiling (dahil inaasahan) Bitwin sisipatin Kahit tapak-tapakan Nirecord ko to dalawang araw bago marelease Ngayon lang ako nakagawa ng ganto kabilis Ilang weeks nang pabalik-balik sa studio nagmimix Namimiss ko na ang aking kids daming gigs Happenings pagdiriwang at piging Napilitan magtiis sarili lang marketing Kapatid ko budgeting manager kong magaling yeah Aggregator ko believe paborito ko 'tong beat Nabili ko to kay Jim tapos kv for the win At isang mahabang verse ang napili kong gawin Kung ako ikaw siguradong mapipikon ka rin Pag nabiktima ka na ng mga CEO sa scene Sana naman makuha mo ang ibig kong sabihin Sensitibong usapin na desididong ungkatin Walang pake kahit sa kritisismo ulanin Tatalo sayo kapwa Pilipino mo lang din Daming inggit na gusto kang galitin Daming sipsip na gusto kang gamitin Madalas kabaliktaran ang kanilang sasabihin Ikaw lunok na lang kundi wala kang kakainin Yung iba dyan ikaw ay aasintahin Aapir sayo ikaw naman aapir ka din Maya-maya bigla ka na lang papapirmahin Tapos sa dulo biglang ikaw pa ang babaliktarin Aba iba rin Tapos marami pa ring inggit Palaging nagngingitngit sa galit nakatiktik Sa bawat tweet at retweet Bwisit na bwisit gustong manakit Kala mo naman talaga kayang kumalabit Teka akala ko ba ako ay di mo trip Pero nung ako'y nameet bakit panay pavideogreet At picture picture cheek to cheek Mas hypocrite ka pa sa catholic na nagtitrick or treat You piece of shit Sunod-sunod na kamalasan naranasan Sabay sabay porket alam na malakas kalaban Pangalan ko ginagamit sa kalapastanganan Ganyan talaga pag antas ay kataas-taasan Ngunit sa kabila ng lahat ay magpapatuloy Hindi magpapaluoy o aasa sa abuloy Gamitan tamo ninyo ug tiradang pangmarukoy Sasalubong sa alon pero sasabay sa ugoy Panghihinaan ngunit di masisiraan ng loob Kahit maraming maingay na nanghihila palubog Tandaan na mas matulin ang liwanag sa tunog Kaya ligtas ka sa kidlat pag narinig mo ang kulog Malabo mang marating ganado kong gagawin Mas gusto ko pang maging Mas mahusay pa sa dating ako na akala ko ay masyado nang magaling Tanging tatalo sakin ay yung tao sa salamin Di ako babasagin lalong papalakasin Ang isip puso kaluluwa at katawan na rin Meron na album ko sa spotify handa ng mastream Kung tanong mo meron pa marami pang paparating