Notice: file_put_contents(): Write of 618 bytes failed with errno=28 No space left on device in /www/wwwroot/muzbon.net/system/url_helper.php on line 265
Loonie - Palaisipan | Скачать MP3 бесплатно
Palaisipan

Palaisipan

Loonie

Альбом: Palaisipan
Длительность: 4:02
Год: 2025
Скачать MP3

Текст песни

Sa palaisipan ba tayo dapat nagsisimula?
Baby, pakiusap

Kung magpapakilala sana
Puwede bang idaan mo lahat sa hawak?
Naligaw lang sa dinami-dami ng mga pasikot-sikot sa 'yong katawan
Sana lang ay mapadaan, mm

Nabulag sa 'yong mga kurbada
Nabudol sa mga usapang walang kontrata
Harutan hanggang sa abutan ng umaga
Walang sagot sa katanungang "Tayo nga ba?"
Aruy, kung ayaw masaktan, 'wag nang umasa (no)
Nagbabakasakali na lang na tsumamba
Mga dasal sa Maykapal, sana gumana
Kaso madalas sila ni Satanas ang magkakontsaba

Matagal ko na 'tong 'pinapanalangin
Na ika'y tuluyang mapaibig sa 'kin
Ngunit ako'y parang dagang dinagit lang ng lawin
Pinaglaruan tapos pinakawalan rin
Tinig ay tahimik, isip ay malalim
Hirap nang basahin, tila ba Baybayin
Sarili kong lengguwahe ng pag-ibig ay pag-amin
Ikaw, ginawa mong sining ang pagiging sinungaling

Kung magpapakilala sana
Puwede bang idaan mo lahat sa hawak?
Naligaw lang sa dinami-dami ng mga pasikot-sikot sa 'yong katawan
Sana lang ay mapadaan, mm

Ano ba talaga tayo? Para lang klaro
Kailangan kong malaman kung mahal mo pa ba 'ko
Naglalaro ka lang ba o nananarantado?
Kasi nakita ko kahapon, may kasama kang bago
Ayoko nang umasa sa mga usapang malabo
Parang gamugamong nadarang at napaso
Nadala at mas lalo lang nawala at naglaho ang mga balak at plano
Nagmukha pa 'kong gago

Kaya walang mga pangako, puro para-paraan
Laging telebabad kahit walang tawagan
Araw-araw normalan, kasi para pa saan ang mga sumpaan
Kung wala namang karapatan?
Ibig kong maliwanagan, 'wag mo sanang diliman
Kapaan parang magkasintahan sa sinehan
Matinding palaisipan
Sa dami ng pasikot-sikot, nagkakasalisihan

Kung magpapakilala sana
Puwede bang idaan mo lahat sa hawak?
Naligaw lang sa dinami-dami ng mga pasikot-sikot sa 'yong katawan
Sana lang ay mapadaan, mm

Oras at konting espasyo lang
Ang kailangan nating dal'wa sa ngayon
Ngunit parang 'di naman 'to hadlang
Palapit na tayo sa kalawakan

May dalawang magkasintahan sa taas ng bundok
Nagkasundong tapusin ang buhay nilang malungkot
Hindi na masaya sa kama, hanap na ay tuldok
Usapan ay sabay silang tatalon sa tuktok
Sabi niya, "Magtiwala ka lang sa 'kin, mahal ko
Talon tayo nang sabay pagbilang ko ng tatlo"
Kaso lang ang problema, pagkatapos niyang bumilang
Siya lang ang tumalon, si babae nagpaiwan

Habang nakatingin sa kaniya, nakangiti lang
Ngunit biglang nagulat ang babae no'ng nakitang
Nakangiti din si lalaki habang pababa siya
Sabay biglang buka ng dambuhalang parakayda
Ngayon, sino'ng mas taksil sa dalawa?
Sino ang mas tuso? Sino ang mas tanga talaga?
'Yong lalaki ba na may dalang backup plan?
O 'yong babae na wala siyang balak back up-an?