Notice: file_put_contents(): Write of 611 bytes failed with errno=28 No space left on device in /www/wwwroot/muzbon.net/system/url_helper.php on line 265
Maki - Abelyana | Скачать MP3 бесплатно
Abelyana

Abelyana

Maki

Альбом: Kolorcoaster
Длительность: 3:18
Год: 2025
Скачать MP3

Текст песни

Nakangiti nang mag-isa
Napanaginipan na naman kita
Takot ako sa matataas pero kung sa 'yo mahuhulog
Ayos lang masiraan ang ulo, hawak mo naman aking puso

Kung ako man ay tanungin mo
Hindi ikakaila ang kakaibang kuntento na nadarama
Sana hindi na mabalewala
Inipon kong kumpiyansa para lang makasilip sa

Pasulyap-sulyap mong mata, ano nga ba tayo talaga?
Wala namang nakakahalata, puwede bang sabihin mo na
Kung may pagtingin ka rin sa akin?
At kung malabo man, puwede bang dagdagan na lang ng grado ang salamin
Para malinaw sa 'ting dalawa?

Mahirap ang paligoy-ligoy pa
Puwede ba huwag na natin patagalin?
Sige na, subukan mo namang tumaya (sumbong kita kay Tadhana, kasi)
Iba ka na makatingin na para bang ika'y may pagtingin sa akin

Kung ako man ay tanungin mo
Hindi ko tatanggihan mga ganiyang hamunan
Medyo nakakakaba, kung nakamamatay ang pagtitig
Ay matagal na 'kong biktima

Pasulyap-sulyap mong mata, ano nga ba tayo talaga?
Wala namang nakakahalata, puwede bang sabihin mo na
Kung may pagtingin ka rin sa akin?
At kung malabo man, puwede bang dagdagan na lang ng grado ang salamin?

Pa-rap, pa-rap, pa-ra
Pa-ra-ra-ra-ra-ra-ra-ra

Pasulyap-sulyap mong mata, ano nga ba tayo talaga? (Pasulyap-sulyap mong mata, oh)
Wala namang nakakahalata, puwede bang sabihin mo na? (Sabihin mo na ang nadarama)
At kung malabo man, puwede bang tanggalin ko na lang ang salamin
Para kunwari sa 'kin ka nakatingin