Notice: file_put_contents(): Write of 604 bytes failed with errno=28 No space left on device in /www/wwwroot/muzbon.net/system/url_helper.php on line 265
Maryzark - Huli | Скачать MP3 бесплатно
Huli

Huli

Maryzark

Альбом: Huli
Длительность: 5:08
Год: 2017
Скачать MP3

Текст песни

(Kamusta ka na?)
(Ang tagal na nating walang balita)
(Biruin mo pinaghiwalay tayo?)
('Yun pa yata yung huli tayong nagkita)
(Ang dami ko na ring pinagdaanan)
(Ikaw kamusta ang trabaho mo?)
(Ako ito, paraket—raket, palipat—lipat, kung kani—kanino)

(S'ya nga pala yung tanong mo)
(Bakita ka nanaman ba napatawag?)
(Nakita ko kasi yung kwintas na bigay ko sa'yo)
(Sa ilalim pala ng kama nalaglag)
(Grabe yung away natin no'n noh?)
(Kung mag—iyakan tayo sagad—sagad)
(Inabot pa nga ako ng umaga kahahanap sa'yo)
(Kung saan—saan ka kasi napadpad)

Huwag kang mag—alala
Makakalimutan din kita

Kung kaya't
Sakaling 'di na maibalik
Ang 'sang bagay na walang kapalit
Piilitin mo man na gustuhin
Sadiyang 'di na para sa'tin

(Ah ito ako)
(Pinaglipasan na ako ng panahon)
(May anak ka na daw ah?)
(Congrats nga pala sa kasal mo noong nakaraang taon)
(Pareho pala yung simbahan?)
(Yung palagi nating dinadaanan?)
(Natawa nalang ako, kasi lagi kitang binibiro noon)
(Na doon sana kita papakasalan)

Huwag kang mag—alala
Makakalimutan din kita

Kung kaya't sakaling 'di na maibalik
Ang 'sang bagay na walang kapalit
Pilitin mo man na gustuhin
Sadyang 'di na para sa'tin

(Nilalabanan ko naman yung sakit)
(Maraming salamat nga pala sa pangangamusta)
(Sabe ng mga doktor "Pilitin mo, siguro kayang—kaya")
(Noong mga nakaraan lang)
(Parang ang hirap—hirap ng huminga)
(Bago pa ako maging amok pinipilit ko na)
(Papipigilan pa)

Hanggang
May alaalang nagkukubli
At may luha sa likod ng ngiti
Sanayin mo mang 'di pansinin
Nagpapaalam sa'tin

Kung kaya't
Sakaling 'di na maibalik
Ang 'sang bagay na walang kapalit
Pilitin mo man na gustuhin
Sadyang 'di na para sa'tin

Hanggang
May alaalang nagkukubli
At may luha sa likod ng ngiti
Sanayin mo mang 'di pansinin
Nagpapaalam sa'tin