Notice: file_put_contents(): Write of 615 bytes failed with errno=28 No space left on device in /www/wwwroot/muzbon.net/system/url_helper.php on line 265
Mike Kosa - My Game | Скачать MP3 бесплатно
My Game

My Game

Mike Kosa

Альбом: My Game
Длительность: 2:42
Год: 2025
Скачать MP3

Текст песни

Halika na't pasukin natin ang mundo ng laro
Mike Kosa, mas matindi pa sa mga Egoy at Kano
Kapag bumanat sa mic, katumbas ko’y ilang tumbok
Sa aking dila na hindi na nagbabago ng tunto

Hinasa ng panahon kasabay ng beatbox kong istilo
At inilapat ang mga letra, sintigas like Escudero
At ilang kwentong barbero ang aking natanggap
Ang masapawan ng pangalan ko, kay hirap matanggap

Ako ’yung bata na gustong gustong gawing bataan
Ng beterano, naturingang utak ay walang laman
Magco-compose ng English rap na ang puntirya’y magpa-bounce
Nagpapanggap na Englisero, mga bobong mag-pronounce

Full effect pero ang rhyming ay na-discorrect
Hindi ma-take ang pag-arte, sabi ni Direk

Wala kang karangalan para sa akin magyabang
Isa ka lang na tagahanga na gusto sa’kin mag-abang
Ikaw ay bata para sa’kin, ’wag kang magmagaling
Wala ka pa sa kalahati ng aking narrating

Ngayon ka pa lang sumisibol at biglang sumulpot
At kumpara sa’kin na kay dami ko nang nasundot

Na dahil lang sa pagrarap, kay dami nang nainggit
Pinapagana ko ay utak at hindi ang damit
Kasi ang iba ay nagrarap para lang sa chicas
Eh pano kung hindi na uso, bigla ka na lang lilikas?

Hindi usapan kung beterano o maging baguhan
O kung ang mic ay nasa kaliwa o nasa kanan

Ang importante para sa’kin ay maging malaya
Hindi ’yung tipong champion ka nang dahil lang sa daya
Hindi ka dapat mag-angas o umasta na sikat
Alam ko, alam mo rin na alam din ng lahat

Ika’y nagbibingi-bingihan at nagpapakadisente
Na sa tuwing ito ay topic, nagpapanggap kang inosente

Ang aking flow napakasimple pero ’di na uutal
Ang mga rhymes buong-buo pero malayong magbutal
Ipinamalas na ang husay sa mga klase ng duelo
Kung ikaw ang makakalaban, ’di ko kailangan pang bumuelo

Hindi naging basehan sa dami ng iyong alalay
Ang pagiging magaling wala sa estado ng buhay

Laki man sa Tondo walang sapat na pera
Aking kanta’y de-kalidad at yaman ko ang letra
Hindi ako nagbibitaw ng mga patapon
Isang talento na hindi pinansin ng ilang taon

Ako ’yung preso na pinapangarap mong bumaba
At gusto mo akong isama sa iyong pagkadapa

Ikaw ang nagsimula, ikaw ang unang nagpahangin
Binaba ko na ang lona mula sa pilakang tabing
’Di ka bagay mag-artista, tanggalin ang maskara
Batalyong aking nakalaban, tinumba ko mag-isa

Sa mga gustong maghari na ang trono ay buyon
Kung gusto mong maka-isa, humalik sa aking tumbong

With my group, Dos Talentos and 187 Mobsta
Sapul ang humahatol sa mahusay na makata - Mike Kosa!