Before It Sinks In (Halfway Point)
Moira Dela Torre
4:43'Di ko alam sa'n sisimulan Kapag ba binitawan makakalimutan Sana naman mapagbigyan Ng kahit konting oras para magpaalam Sana maintindihan 'Di ko pa yata kayang Hindi ka na makita paggising sa umaga Ikaw 'kaw lang naman ang hanap 'Kaw lang ang pinangarap noon paano na ngayon Paano tanggaping wala ka na Paano at saan magsisimula Kung nasa'n ka man sana mapakinggan Ang aking panalangin na ika'y mahagkan Nang kahit saglit nang ilang sandali Oh sa'n kukuha ng lakas kung ikaw ang dahilan 'Di ko maintindihan 'Di ko pa yata kayang Hindi ka na makita paggising sa umaga Ikaw 'kaw lang naman ang hanap 'Kaw lang ang pinangarap noon paano na ngayon Paano tanggaping wala ka na Paano at saan magsisimula Kahit 'di pa yata kayang Hindi ka na makita pagbangon sa umaga Hindi ko pa man makuha Mahahanap rin ang kalma tulad no'ng nandito ka pa Hindi na pipigilan ang luha Sa bawat oras na maisip ka Hindi mawawalan ng pag-asa Sa pagitan ng wakas at ng simula