Baliktad Na Ang Mundo
Musikangbayan
5:40Isipan ma'y napapagod din Sa pag-iisip ng mga kataga Na magsasalarawan ng tunay Na nadarama ng puso ko Ngunit nang ika'y dumating Ang aking isipa'y biglang sumigla Ang mga titik at himig Ay tila di mapigilang agos ng batis Sana sa tuwina'y kapiling kita Sa paglikha ng mga awit ng paglaya Sana'y laging kasama kita Sa pagsasalarawan ng buhay Sana sa tuwina'y kapiling kita Sa paglikha ng mga awit ng paglaya Sana'y laging kasama kita Bigyan natin ng kulay ang buhay Dahil mithiin ay iisa At ang katuparan nasa ating pagpapasya Ang ibig ko lamang ay narito ka Katuwang at kasama sa pagkilos Dama ko ang lumbay at saya Sa saliw ng aking gitarang dala Hatid ay pag-ibig sa bayan Na di kailanman mapapantayan Sana sa tuwina'y kapiling kita Sa paglikha ng mga awit ng paglaya Sana'y laging kasama kita Sa pagsasalarawan ng buhay Sana sa tuwina'y kapiling kita Sa paglikha ng mga awit ng paglaya Sana'y laging kasama kita Bigyan natin ng kulay ang buhay Sana sa tuwina kapiling kita