Panggap
Musikatorni
3:45[Verse 1] Talamak ang agawan ng mikropono Dati sa video-oke ko lang nakikita to Hindi naman sila lasing at walang singing [Verse 2] Buti pa yung mga nag iinuman Nasa tamang ugali at damitan Itong mga ito maayos nga suot Pero utak naman ay baluktot [Pre Chorus] Sabi ni mama wag sabay sabay magsalita Galangin dapat ang isat isa Buti pa yung mga bata sumusunod kay mama Itong mga politiko ang gulo, walang hiya [Chorus] Busalan sa pamahalaan Talamak na bastusan Di ba dapat lahat pinakikinggan Bakit ngayon yung gusto nyo lang? [Verse 3] Lahat kayo niluklok ng taong bayan Lahat din dapat pakinggan Okay lang naman magkasalungat ang pinaglalaban Basta gawin ito sa tamang paraan Ang gara ng damit nyo tignan Pero ugali galing sa kangkongan Kanya-kanyang interes ang pinaglalaban Di naman para sa taong bayan [Pre Chorus] Sabi ni mama wag sabay sabay magsalita Galangin dapat ang isat isa Buti pa yung mga bata sumusunod kay mama Itong mga politiko ang gulo, walang hiya [Chorus] Busalan sa pamahalaan Talamak na bastusan Di ba dapat lahat pinakikinggan Bakit ngayon yung gusto nyo lang? [Bridge] Bully ba kamo? Marami kami sa kongreso Kung ayaw ang nagsasalita Bubusalan ang bunganga [Outro] Kung ang kinatawan ay pinatahimik mo Pinatahimik mo na rin ang mga nagluklok dito Paano maririnig ang boses ng tao Kung ang gusto mo lang marinig ay ang boses mo