Para Sa Buwan
Maki
4:27Hayaan mong ibalik kita sa lumang musika Habang tinutugtog itong kanta Sana pagsibol ng pag-ibig nating dalawa Mahanap ang sarili mo sinta Matagpuan ang kulay ng mundo mong nawala Muling maipinta ngiti mong kay ganda Mm Ah Sana ang dahilan ng 'yong antok ay pahinga At hindi ang pagbitaw aking sinta Naramdaman ang unan mo sa bisig ko tuwina Hihintayin hanggang humimbing ka Umidlip sa balikat ko ay humilik Hindi ka na muling luluhang palihim At sa bukang liwayway gigising nang sabay Aking giliw Aawitan kang taimtim Abutin man tayo ng dilim Oh 'wag nang itanggi Payapa ka sa 'king tabi Mm Ah At sa sumibol na pag-ibig nating dalawa Nahanap ang sarili ko sinta