Ayos Lang 2

Ayos Lang 2

Olg Zak

Альбом: Ayos Lang 2
Длительность: 3:21
Год: 2023
Скачать MP3

Текст песни

Oh oh oh oh oh
Kahit malungkot ako naka ngiti
Lalo kung sa bahay ako uuwi

Ang dami kong kasalanan
Pati kasinungalingan

Kasi sinasabi ko na ayos lang
Kahit hindi na (ayos lang)

At kung akala mo na ayos talaga ako
Nagkakamali ka

Kasi nga hindi
Pero laging laban walang suko
Ilan lang kasama pero lahat sila tuso
Kaya sigurado kung ma-zero walang turo
Buhay lang sa trap pinag aralan walang guro

Pag kabado antimano magugutom
Yung may salapi sila lang din ang hukom
At kung di ka susunod rehas ang tulog

Kaya nga sa trap
Hindi pwedeng malambot puso

Kaya hindi natatakot kahit anong matanggap ko na banta
Bakit ako matatakot eh matagal na akong naka handa

Sa kung sino man yung aalis
At kung sinong bagong darating

May tatagal at merong mabilisan
Ang pinaka mahalaga yung maiiwan

Ala-ala o larawan (oh)
At kahit yung pinaka mapait mong naranasan

Sa kasamang namaalam (oh)
Pangakong binuo wag mong hayaan na masayang

Oh mag isa pero itutuloy
Kahit parang nasa kumunoy

Ngayon pa ba matatakot eh madami na rin saking nawala
Oh habang ibang ka edad ko
Sa labas naglalaro

Ako patintero sa pulis
Walang hinto

Gang naubos swerte kasalanan binuno

Kala nila titino
Pero dun sila nagkamali
Kasi yung sungay mas lumalaki

Gutom lungkot pati na galit
Lang naramdaman ko

Pero ang sagot ko laging ayos lang

Oh ayos lang
Ayos lang

Kahit hindi na

Ang sagot ko laging ayos lang
Kahit hindi

Pag si mama ang nakatingin
Dun lang ngumingiti

Ayoko lang din maging pabigat
Kapag nagigipit

Gusto kong tumulong kaso lang
Ako'y nagka mali

Nung sinamahan ko yung mga hindi dapat
Naka poste sa dilim at patalim ang hawak

Puhunang ginamit lakas ng loob at amats
Para lang mabuhay tsinaga ko din ang bawat

Salitang binitawan laban sakin
Mga taong gusto akong paluhain

Maging anong kapalit man ng gawain
Basta para sa minamahal ko laging ayos lang

Kahit malungkot ako naka ngiti
Lalo kung sa bahay ako uuwi

Ang dami kong kasalanan
Pati kasinungalingan

Kasi sinasabi ko na ayos lang
Kahit hindi na

At kung akala mo na ayos talaga ako
Nagkakamali ka