Edsa
Pablo
3:29Puwede ba na 'wag na lang magpahinga? Puwede ba na 'wag, kahit mga mata'y malalim? Ah, ah, ah, ah Dumadapo na ang sikat ng araw sa 'king balat Pagkatok ay kumakatok na rin sa pintuan Ngunit kung kaya ng katawan, tuloy ang hukayan Sa 'king kauluhan, sana'y may kayamanan Puwede ba na 'wag na lang magpahinga? Puwede ba na 'wag, kahit mga mata'y malalim? Lagi lang puyat sa dami nang inaasam Lagi mang puyat, dasal ay sana'y akin namang makamtan 'Di naman parang nagmamadali Dami pa ngang bagaheng mabigat na kargahin Sugat na 'di nagaling Puyat, padayon hanggang sa huli, kahit mga mata'y malalim 'Yoko na mamili nang tumitingin sa presyuhan 'Yoko na rin kabahan tuwing araw ng katapusan Gusto ko nang maranasang sabihin sa 'king mga mahal Sige lang, kuha ka lang, sige lang, kuha ka lang Kung kaya ng katawan, tuloy ang hukayan Sa 'king kauluhan, sana'y may kayamanan Puwede ba na 'wag na lang magpahinga? Puwede ba na 'wag, kahit mga mata'y malalim? Lagi lang puyat sa dami nang inaasam Lagi mang puyat, dasal ay sana'y akin namang makamtan 'Di naman parang nagmamadali Dami pa ngang bagaheng mabigat na kargahin Sugat na 'di nagaling Puyat, padayon hanggang sa huli, kahit mga mata'y malalim Alam kong lahat ng 'tong aking ginagawa'y suntok sa buwan Kahit pa 'ko'y umagahin at mabali aking likuran Wala namang nanalo ng damit ay 'di man lang nadungisan, yeah Tatalunin lahat ng balakid sa aking kaisipan (kahit mga mata'y malalim) Lagi lang puyat sa dami nang inaasam (lagi lang puyat) Lagi mang puyat (puyat), dasal ay sana'y akin namang makamtan 'Di naman parang nagmamadali Dami pa ngang bagaheng mabigat na kargahin Sugat na 'di nagaling Puyat, padayon hanggang sa huli, kahit mga mata'y malalim