Tiga
Societeit De Harmonie
3:26[Verse 1] Kahit saan ka naroon Sa bayan man o nayon Ang lagi mong kasalubong Ay ang maharot na Kenkoy Hayan siya, umuugong Ang maluwang na pantalon At hayan parang ulol Habang daa’y umuungol [Pre-Chorus] Aruy! naku! Kenkoy Hoy! Hey! shh! [Chorus] Pati noo’y inahit na Kilos lakad ay nag-iba Habang daa’y kumakanta Ng Ingles na walang letra (May ukulele pa) Batiin mo, kumusta ka? At ang sagot, tingnan mo ba! "Hey! Tagalog? Mi, no habla" Ay naku, naku Kenkoy! [Verse 2] At si Kenkoy ay popular Sa lahat ng handaan Ukelele’y tangan-tangan Handa mo’y inaawitan Hayan siya sumasayaw Katawa’y anong gaslaw Sumasabog ang laway Walang tigil ng pag-ungal [Pre-Chorus] Aruy! naku! Kenkoy Hoy! Hey! shh! [Chorus] Pati noo’y inahit na Kilos lakad ay nag-iba Habang daa’y kumakanta Ng Ingles na walang letra (May ukulele pa) Batiin mo, kumusta ka? At ang sagot, tingnan mo ba! "Hey! Tagalog? Mi, no habla" Ay naku, naku Kenkoy! [Outro] Hoy! Kenkoy!