Dalangin
Setsuna
4:04Ano pa man ang dumating manalig ka ng taimtim Bigat ng mga pagsubok mo ay gagaang din Di mo kailangan malumbay sa hamon ng iyong buhay Kumapit ka ng mahigpit dasal mo ay maririnig Wag kang mawalan ng pag asa Darating din ang tunay na ginhawa. Lilipas din ang hapdi at sakit ng iyong pighati.. Ang mga sugat ay maghihilom na ng paunti unti.. Lungkot sayong mata'y mapapawi na ng bawat ngiti Mag liliwanag na ang buwan kasabay ng mga bituin.. Titila din ang mga luha bigat ng dibdib moy mawawala Ang pag bangon mo sa dilim ang syang magniningning Tibayan mo sa bawat oras hindi pa ito mag wawakas Buhayin mo ang damdamin sa umagang paparating Wag kang mawalan ng pag asa Darating din ang bagong umaga. Lilipas din ang hapdi at sakit ng iyong pighati.. Ang mga sugat ay maghihilom na ng paunti unti.. Lungkot sayong mata'y mapapawi na ng bawat ngiti Mag liliwanag na ang buwan kasabay ng mga bituin.. Naipon sa dibdib salitang di mo masabi, Alipin ka ng utak mong dapat ikaw maghari, Magdamag ka ng sa kisame lang nakatitig at alam mo sa sarili mong hindi lang ito panaginip Oo, ika'y gising pero pikit mata mong tinanggap, Mali lang ang kanilang nakikita sa'yong pag angat, di yung tama mong hangad, hinuhusgahan agad at yan ang dahilan kung bakit mo ginagawa lahat Ang daming nagsabing hindi mo daw kaya, tanong naniwala ka ba? Ikaw lang din ang siyang makakasagot sa mga paninira nila Sa dilim ka man na mangapa, payong wag ka dapat madala, Pagkat ikaw ang liyon sa sariling imperyo na di dapat dinadaga Parang si Recca nagtatawag na ng dragon, ika'y nagliliyab Oras na para yakapin pagkakataong ikaw ang gaganap, Bilang bida sa nabuo mong aklat, Kahit pa na ilan ang matamong saksak, Hindi ka na nila mababagsak, Ikaw pinaka maangas sapagkat! Whoa ohh ohh Whoa ohh ohh Lilipas din.... Whoa ohh ohh Lilipas din.... Whoa ohh ohh