Notice: file_put_contents(): Write of 631 bytes failed with errno=28 No space left on device in /www/wwwroot/muzbon.net/system/url_helper.php on line 265
Smugglaz - Hakuna Matata | Скачать MP3 бесплатно
Hakuna Matata

Hakuna Matata

Smugglaz

Альбом: Hakuna Matata
Длительность: 4:13
Год: 2022
Скачать MP3

Текст песни

'Wag ka mag-alala la-la-la-la-la

'Di habang panahon mananatiling mailap ang pagkakataon
Kahit na parang ngayon tila ba nakabaon
Ang kalahating katawan lupa mo't nasa kahon
Eh pa'no buhay ka pa daig mo pa tila 'yung tigok
O bangkay na nanlamig puso'y 'di na natibok

Pakiramdam mo pagkatapos ilang ulit masawi
Mga sunod na sandali'y tinaningan na ni dok
Sa mundong magulo madilim masikip
Puno ng takot pagdududa pangamba at katanungan
Ay manalig manalangin kumapit 'wag mainip
'Pagkat ang tamang panahon lang ay may dala ng kasagutan

Kahit madalas tagmalas ang klima
Palaging may bakas ng pag-asa din na
Tayo'y makalampas sa masukal na landas
Humingi lang ng lakas sa taas sa tuwina

Kahit na anuman ang mga dahilan
Kung bakit ba makulimlim ang kalangitan
Ang alam ko lang pagtapos ng ulan
Bukod sa bahaghari sa kaulapan
Ay sisikat din ang araw na makakaraos din lahat tayo
'Wag ka mag-alala la-la-la-la-la

'Di habang panahon mananatili na maputik ang sapatos mo
'Pagkat 'di lang ikaw ang galing sa daan na 'yon
At batid ko na hindi du'n natatapos ang lahat
Ke ilang ulit ka pa sumablay nu'ng umpisa
Tapusin mo pa din ng tama kahit parang huli na
Ke ikaw ako sila husgahan man nu'ng iba

Sa huli ang hahatol lamang sa 'tin po'y isa
Minsan nga daw kung saan tayo pinakamahina
Ay du'n pa pala daw tayo mas lumalakas
Kung kilan ka ligaw at ang sarili'y 'di mo makita
'Yung tunay na ikaw du'n pa mas lumalabas

Kahit madalas tagmalas ang klima
Palaging may bakas ng pag-asa din na
Tayo'y makalampas sa masukal na landas
Humingi lang ng lakas sa taas sa tuwina

Kahit na anuman ang mga dahilan
Kung bakit ba makulimlim ang kalangitan
Ang alam ko lang pagtapos ng ulan
Bukod sa bahaghari sa kaulapan
Ay sisikat din ang araw na makakaraos din lahat tayo
'Wag ka mag-alala la-la-la-la-la

La-la-la-la-la la-la-la-la-la
'Wag ka mag-alala la-la-la-la-la
La-la-la-la-la la-la-la-la-la
'Wag ka mag-alala la-la-la-la-la

Hakuna matata 'di dahil madali
Kundi kumpyansa sa likod ng tangis na hapdi
'Pagkat 'pag aalala mo tila kahit sandali
Imahinasyon mo lang ang ginagamit sa mali
Sigalot ng puso't isip talino pag-ibig
Oldskul newskul gobyerno't mamamayan
Pangamba sa hinaharap na 'di pa nagaganap
Laban sa mga pait ng nakaraan
Tulad n'yo rin akong nu'ng una'y kinayang mag-isa

Galing sa hirap nangarap hanggang sa mag-iba
Sa paglipas at pagbuklat mo ng bawat pahina
Makokonekta mo lang ang lahat kapag nangyari na
Sad'yang mundo'y makulay 'pagkat walang perpekto
Ngunit magpakatunay ang baon kong sikreto

Mga hamon sa buhay mo na nakaengkwentro
'Pag nagtagumpay ka po ay pampagarbo lang ng kwento
Na kahit tagmalas ang danas na klima
Pwedeng tumaliwas ang landas mo't linya
Sa una madalas man-api ang 'yong labas
Tayo pa din sa wakas ang palabas ang bida

Kahit na anuman ang mga dahilan
Kung bakit ba makulimlim ang kalangitan
Ang alam ko lang pagtapos ng ulan
Bukod sa bahaghari sa kaulapan
Ay sisikat din ang araw na makakaraos din lahat tayo
'Wag ka mag-alala la-la-la-la-la

La-la-la-la-la la-la-la-la-la
'Wag ka mag-alala la-la-la-la-la
La-la-la-la-la la-la-la-la-la
Wag ka mag-alala la-la-la-la-la
La-la-la-la-la la-la-la-la-la
'Wag ka mag-alala la-la-la-la-la
La-la-la-la-la la-la-la-la-la
'Wag ka mag-alala la-la-la-la-la