Paruparo
Sugarcane
4:57Pagbigyan ang dinaramdam Sawa na sa paglulugmok Mga pangarap nating 'di na natupad Ang mga alaalang guhit mo Aking tanaw ang pagbitaw, ayoko nang magkunwari Lumiwanag ang silid nang masilayang Ngumiti ang bunga ng pagmamahalang Nabuo, nagunaw, natuluyan Tatalikuran na lang ba ang nakaraan O hahayaang kumapit sa walang-hangganan? Pagbibigyan pa ba'ng mga pusong sugatan Na kailanma'y 'di naisipan na ingatan? Pagbigyan ang dinaramdam Sawa na 'kong magkunwaring Natitiis mga tingin na 'binaling Pero tayo ang may sanhi Sa pagngiti ng nag-iisang munti Lumiwanag ang silid nang masilayang Ngumiti ang bunga ng pagmamahalan Tatalikuran na lang ba ang nakaraan O hahayaang kumapit sa walang-hangganan? Pagbibigyan pa ba'ng mga pusong sugatan Na kailanma'y 'di naisipan na ingatan? Pagbigyan na magpaalam sa pinagsamahan Pagbigyan nang magpaalam sa pinagsamahan Pagbigyan na magpaalam sa pinagsamahan Pagbigyan nang magpaalam sa pinagsamahan Pagbigyan Tatalikuran na ang nakaraan 'Di hahayaang kumapit sa walang-hangganan Pagbibigyan na ang mga pusong sugatan Na sa wakas ay naisipan nang ingatan Tatalikuran (pagbigyan ang dinaramdam) Tatalikuran (pagbigyan ang dinaramdam) Tatalikuran, oh, oh, oh (pagbigyan ang dinaramdam) Na sa wakas ay naisipan na ingatan Pagbigyan ang dinaramdam