Katakataka
Sylvia La Torre
2:55Kung ang hanap mo'y tunay na pagsinta Buhay sa nayon ang tangi mong pag-asa Tunay na aliw ang doo'y laging makikita Ligaya sa pusong sakbibi ng pagdurusa Iyan ang lunas sa dibdib na may hapis Nagdudulot ng sigla sa pag-ibig Hindi mo mapapansin hirap na tinitiis Sa tamis ng iyong ngiti sa pag-awit Sa nayon ay masaya tayo ay maglibang Lahat ay umiindak at nagkakatuwaan Ang bawat puso'y tigib ng diwa ng kasayahan Ang kalungkutan ay hindi nararamdaman Kung nilimot kang lubos ng dati mong mahal Sa nayon ka mag-aliw lunasan ang lumbay Pagkat doon ay walang pusong taksil sa suyuan Pag-ibig nila ay wagas magpakailanman Iyan ang lunas sa dibdib na may hapis Nagdudulot ng sigla sa pag-ibig Hindi mo mapapansin hirap na tinitiis Sa tamis ng iyong ngiti sa pag-awit Sa nayon ay masaya tayo ay maglibang Lahat ay umiindak at nagkakatuwaan Ang bawat puso'y tigib ng diwa ng kasayahan Ang kalungkutan ay hindi nararamdaman