Madaling Araw
Sylvia La Torre
3:31Nasaan ka, irog? Nasaan ka, irog, at dagling naparam ang iyong pag-ibig? 'Di baga sumpa mong ako'y mamahalin? Iyong itatangi, iyong itatangi magpahanggang libing Subalit nasaan ang gayong pagtingin? Nasaan ka, irog, at natitiis mong ako'y mangulila At hanap-hanapin ikaw sa alaala? Nasaan ang sabi mong ako'y iyong ligaya? Ngayong nalulungkot, ngayong nalulungkot ay 'di ka makita Irog ko'y tandaan Kung ako man ay iyong siniphayo Mga sumpa't lambing pinaram mong buo Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho't Magsisilbing bakas ng nagdaang 'tang pagsuyo Nasaan ka, irog? Nasaan ka, irog?