Mata Ng Diyos
Wolfgang
4:42Isang araw nang tag-ulan Kanyang damit ay ayaw maputikan Kay tingkad ng kasuotan Tanda raw ng kanyang kalinisan Binabagtas ang mahabang daan Sakay ng kotseng pangmayaman Tinitingala sa lipunan Isang alagad ng simbahan Titingnan, animo'y sugo Puting-puti ang kanyang damit Marami ang sa kaniya ay naniniwala Siya ay hulog daw ng langit Pikit-matang nananalangin sa Diyos Na may gawa sa atin Tayo raw ay pagpalain Ilayo sa masamang gawain Siya raw ang maglilingkod sa atin Siya raw ang gumagabay sa atin Dapat daw na paniwalaan, ang mga sinasabi Ni Padre Damaso, woah-oh Dumating ang araw, tumigil ang ulan Puti niyang damit ay kaniyang pinalitan Kaniyang kabanalan ngayo'y kasamaan Kasamaang nakatago sa puting kasuotan Babaeng ninakawan, laganap ang patayan Sigaw ng mga tao "Padre, kami'y tulungan" Pagsapit ng gabi, si Padre nasaan? Nando'n sa sugalan nakikipag-inuman Siya raw ang maglilingkod sa atin Siya raw ang gumagabay sa atin Dapat daw na paniwalaan, ang mga sinasabi Ni Padre Damaso, woah-oh Babaeng ninakawan, laganap ang patayan Sigaw ng mga tao "Padre kami'y tulungan" Pagsapit ng gabi, si Padre nasaan? Nando'n sa sugalan nakikipag-inuman Siya raw ang maglilingkod sa atin Siya raw ang gumagabay sa atin Dapat daw na paniwalaan, ang mga sinasabi Ni Padre Damaso, woah-ohh Oh... Ah...