Eroplanong Papel
Batangrebelde
6:15Puyat dahil sa awiting aking tinatapos Gising ng alas kwatro kahit alos otso pasok Saking pagmamadali yung kama di ko na naayos At agaran kong sinuot ang luma kong sapatos Dose oras ng trabaho pagtapos ng kape ko Doble oras ng biyahe pag mabigat ang trapiko Kung pwede lang sanang ang katawan ay mahati ko ng magawa ko ng sabay ang kailangan at nais ko Meron pa pala kong battle na dapat memoryahin Kaso dami kong trabaho labahin at hugasin Kulang bente kwatro oras sa mga dapat kong gawin Baka pwedeng teka muna dahil akoy pagod narin Ang kamay ng orasan di ko makadaupang palad kaya laging naghahanol saking mga pangarap Buhay maiksi at hindi ka pwedeng tumawad kaya nagmamadali saking paglalad Pwede bang? Pakitigil muna ang takbo ng oras kahit lamang ilang sandali Dahil pakiramdam ko ay mauubusan nako ng panahon kaya laging nagmamadali Na habulin ang aking pangarap na parang mas lalong lumalayo sa tuwing akoy papalapit at kung sakaling di ako makarating kahit panoy sinubukan ko namanag gawin Bente kwatro anyos sa liga pukpukan kung mag ensayo Dahil kay anygma nakasakay ng eroplano Tumigil sa musikat nahinto ang mga plano Hanggang sa ang edad koy lumagpas ng kalendaryo Mabilis maubos ang pagsalin ng buhangin Kaya hanggat may oras pangarap moy kuhanin Yan ang sabi sakin Nong nasa salamin Kaya ngayon kikilos na parang ang buhay koy may taning Walang pagkakataon na sasayangin Kung hindi magkaron ay hahanapin Kung di man palarin saking pangarap ay may kwentong maiiwan na maari kong sariwain Sa araw na tapos nakong isulat ang lahat at ang orasang buhangin koy nasa huling patak Ay wala kong pagsisisi sa mundong ito pagkat Sinubukan ko na maging alamat Pero pwede bang? Pakitigil muna ang takbo ng oras kahit lamang ilang sandali Dahil pakiramdam ko ay mauubusan nako ng panahon kaya laging nagmamadali Na habulin ang aking pangarap na parang mas lalong lumalayo sa tuwing akoy papalapit at kung sakaling di ako makarating kahit panoy sinubukan ko namanag gawin Pakitigil muna ang takbo ng oras kahit lamang ilang sandali Dahil pakiramdam ko ay mauubusan nako ng panahon kaya laging nagmamadali Na habulin ang aking pangarap na parang mas lalong lumalayo sa tuwing akoy papalapit at kung sakaling di ako makarating kahit panoy sinubukan ko namanag gawin Sa araw na tapos nakong isulat ang lahat at ang orasang buhangin koy nasa huling patak Ay wala kong pagsisisi sa mundong ito pagkat Sinubukan ko na maging alamat