How Lovely Is Your Dwelling Place (Based On Psalm 84, From "The Best Of Himig Heswita")
Rb Hizon Sj
O Diyos iniibig iniibig kita hindi dahil lamang sa 'king pag-asa Na aking makamtan ang langit kong pita At 'di rin dahilan sa aking pangamba na kapag Ikaw ay hindi ko sinita Ay apoy ang aking kakamting parusa O Hesus narito ang dahilang tunay na aking pag-ibig na lubhang dalisay Dahil sa sala ko buhay mo ay inalay Sa krus nang mahapdi't dustang pagkamatay Tiniis mo'y pako sibat at paghalay Pawis kiro’t sakit na walang kapantay Tunay na marapat na kita'y mahalin O Hesus na lubhang nagmamahal sa akin 'Di dahil sa langit na 'king mithiin o takot sa apoy na lubhang malagim Di dahil sa gawad na nais kong kamtin hindi dahil dito kita iibigin Kung paanong ako ay iniibig mo gayon din ang aking pag-ibig sa'yo Ang tanging dahilan ng lahat ng ito ay pagkat hari ka At tunay na Diyos ko tunay na Diyos ko Tunay na Diyos ko tunay na Diyos ko