Kumpas
Moira Dela Torre
4:29Parang kailan lang nang tayo'y magkapalitan ng pangako Na kahit magkahiwalay, 'di tayo susubok ng bago Sabi mo pa nga, "Walang pintong isasara Hindi ito wakas, bagkus ito ay pahinga" Ngunit ano itong nakita na may kayakap kang iba? 'Yan ba ang ibig mong sabihin sa "pahinga"? Sumasakit ang dibdib ko, tumawag kayo ng ambulansiya Hindi ko na kaya 'to, sobra ka na, ah Ipipikit man ang mata, tanging ikaw ang nakikita Anong kalokohan 'to? Sige, sa kanya ka na Bakit naman kung kailan pa handa na 'kong muling sumabak Sa bagong kabanata natin ay saka ka mang-aahas? Sabi ko na nga, wala akong mapapala Kung 'di rin lang wakas, 'wag na muling itulak pa Kaya't ngayong aking nakita at 'di mo na makakaila Itong pinto sa puso ko'y isasara, ah Sumasakit ang dibdib ko, tumawag kayo ng ambulansiya Hindi ko na kaya 'to, sumosobra ka na, ah Ipipikit man ang mata, tanging ikaw ang nakikita Anong kalokohan 'to? Sige, sa kanya ka na Pa-da-da-rum, pa-ru-dum, pa-ru, pa-ru, pa-ru Pa-ru-pa-dum, pa-ru-du-du-du, du-dum, pa-du-dum Pa-da-ram, pa-rum, du-du-du-rum, pa-du-ru-du-ru-dum Kung bumalik ka man, wala ka nang madadatnan Ito na ang wakas para sa ating dalawa At sana ay iyong makita, kapag kayakap mo na s'ya Mali ang ibig mong sabihin sa "pahinga"