Ang Tugon
Musikangbayan
3:18Sabi nila’y ‘di tayo para sa isa’t-isa Dahil pareho lang tayong dalawa Walang patutunguhan mula sa umpisa Ang pagsasama daw na ‘di tugma Ito ang tinuran ng nagkukunwang banal At tunay na kapos sa pagmamahal Ito ang tinuran ng nagkukunwang matuwid Na ang puso’t damadami’y manhid Pagkat tayong dalawa’y nagmamahalang lubos Hangarin sa isa’t-isa’y tapat Ipaglalaban nati’t panlalait bibiguin Mapanghusgang mundo’y babaguhin Sabi nila’y ‘di tayo magiging masaya Sa isang pagtitinginang di tama ‘di raw kaaya-aya sa mata ng may-likha Kasalanan daw ating ginagawa Ito ang tinuran ng nagkukunwang marangal Na siyang yumuyurak sa ating dangal Ito ang tinuran ng ngkukunwang malinis Na puno ng dumi ang isip Pagkat tayong dalawa’y nagmamahalang lubos Hangarin sa isa’t-isa’y tapat Ipaglalaban nati’t panlalait bibiguin Mapanghusgang mundo’y babaguhin Pagkat tayong dalawa’y nagmamahalang lubos Hangarin sa isa’t-isa’y tapat Ipaglalaban nati’t panlalait bibiguin Mapanghusgang mundo’y babaguhin Mapanghusgang mundo’y babaguhin