Sabi Nila
Musikangbayan
3:19Bawat sandali itong buhay nating maikli Ibig ko laging sabihin na kita’y minamahal Di sa lahat ng panahon Magkatabi’t magkaakbay Darating din ang araw Tayo ay mawawalay Kahit kailan kahit saan Mananatili ka sa puso ko Ang pag-ibig nating dalawa Patuloy na magliliyab Itong ating nadarama ay dalisay at payak Isang pag-ibig na sumibol sa marahas na panahon Panahong hindi malaya Katarunga’y di tapat Pangyayaring di tumutugma Sa buhay nating pangarap Kahit kailan kahit saan Pakikibaka’y di mapigilan Ang sigaw ng ating puso Baguhin ang mundo Kahit kailan kahit saan Tagumpay man o kabiguan Ang pag-ibig nating dalawa Hangad ay paglaya Itong ating nadarama ay dalisay at payak Isang pag-ibig na sumibol sa marahas na panahon Panahong hindi malaya Katarunga’y di tapat Pangyayaring di tumutugma Sa buhay nating pangarap Kahit kailan kahit saan Pakikibaka’y di mapigilan Ang sigaw ng ating puso Baguhin ang mundo Kahit kailan kahit saan Tagumpay man o kabiguan Ang pag-ibig nating dalawa Hangad ay paglaya Kahit kailan kahit saan Pakikibaka’y di mapigilan Ang sigaw ng ating puso Baguhin ang mundo Kahit kailan kahit saan Tagumpay man o kabiguan Ang pag-ibig nating dalawa Hangad ay paglaya Ang pag-ibig nating dalawa Hangad ay paglaya