Notice: file_put_contents(): Write of 622 bytes failed with errno=28 No space left on device in /www/wwwroot/muzbon.net/system/url_helper.php on line 265
Musikatorni - 645 | Скачать MP3 бесплатно
645

645

Musikatorni

Альбом: Pilipinas Bago Ako
Длительность: 3:18
Год: 2024
Скачать MP3

Текст песни

[Verse 1]
Makikipag-agawan sa jeep
Para sa tatlong oras na traffic
Pagdating sa trabaho
Pagod na at mabaho

[Pre Chorus]
Balang araw aasenso din ako
Hindi araw-araw bumabagyo
Mahirap ang kinagisnan ko
Sana hindi na mamana ng ibang tao

[Chorus]
Sahod ay sobrang kulang
Kahit may trabaho, meron pa rin utang
Igagapos ang sarili sa pangarap
Dadaanin sa tiyaga at pagsisikap

[Verse 2]
Sa paligid tila wala nang pag-asa
Yung ngayon, yun din ang kahapon at noon
Bakit ba ako di nawawalan ng pag-asa?
Kasi umaasa na ginhawa pa rin ay matatamasa

[Pre-Chorus]
Balang araw aasenso rin ako
Sa buhay na parang isang laro
Laro na lagi ako ang taya
Balang araw manalo rin sana

[Chorus]
Sahod ay sobrang kulang
Kahit may trabaho, meron pa rin utang
Igagapos ang sarili sa pangarap
Dadaanin sa tiyaga at pagsisikap

Makikipagsapalaran kahit hindi sigurado ito
Balak kong lumaban…

[Bridge]
Gabi na kailangan nang umuwi
Naitawid din ang araw na pilit nakangiti
Pag uwi ko ako naman ay panalo
Kasi sigurado may mga sasalubong na ginto


[Refrain]
Balang araw, aasenso din ako
Sa hirap ng buhay, hindi susuko
Para sa pamilya, para sa kinabukasan
Patuloy magtatrabaho, kahit hindi sigurado

[Outro]
Ako na lang mga anak, kesa kayo
Gagawin ko itong mga sakripisyo
Para pag panahon niyo na, alam nyo
Na kahit hirap, nag ambag ako 

[Spoken]
Balang araw kayo naman dito
Sisiguraduhin ko na naka-abante naman kahit papano
Sa buhay na pinapa-asenso