Awit Ng Paghahangad
Philippine Madrigal Singers
4:54Philippine Madrigal Singers, Mark Anthony Carpio, Althea Dawn Grijaldo, And Nilo Alcala
Naaalala ko pa ang mga una kong Pasko sa mundo Kay rami-raming taong may bitbit na regalo Sabay sabit ang mga parol na gawa sa boteng tinapon Mabibighani ka sa plaza mga Christmas tree'ng nakaparada Nakaka-miss lang talaga ang pagdiriwang na kay saya Kaya sa ulap na lang ako'y magdidiwang Habang nakatingin parin sa ibaba kung sa'n ako'y nagmula Ang kanilang tawa't awitin ‘di mabubura sa isip Ang tanging hiling ko sa Pasko Na hinding hindi ito magbabago Naaalala ko pa ang simbang gabi tuwing alas kwatro Bawat pamilya'y nandun upang manalangin sa Panginoon Kahit antok nilalabanan para hiling maisakatuparan At pagkatapos ay mag-aalmusal sa karinderya Nakaka-miss lang talaga ang pagdiriwang magkasama Kaya sa ulap na lang ako'y magdidiwang Habang nakatingin parin sa ibaba kung sa'n ako'y nagmula Ang kanilang tawa't awitin ‘di mabubura sa isip Ang tanging hiling ko sa Pasko Na hinding hindi ito magbabago Naaalala ko pa ang aking huling Pasko sa mundo Lahat sila'y nakatingin sa'kin na malungkot Sa isip ko ito na ba ang huling pagdiriwang kay saya Kahit sakit ‘di madama kaya mga mata'y pinikit na Ngayon ang Diyos ang kasama huwag kayong mag-alala Pagkat ay darating din ang panahon na Sa kalangitan tayo'y magdidiwang ‘Di na kailangang tumingin sa ilalim ng mga ulap Ang ating tawa't awitin ay pwede na nating ulitin Ang aking hiling ngayong Pasko Magiging masaya pa rin ito oh (oh oh oh oh)