Sige Lang, Kapatid
Kdr Music House
Kung may bigat na dala sa 'yong kalooban Tila 'di na kayang malampasan Minsa'y nalilito walang masulingan Puso'y lugmok sa kabalisahan Sa mga pag-iisa ay nahihirapan Tigib ng hinaing ang kalooban Nawawalan ng pag-asa dito sa mundo Naghahanap lingap at saklolo Pumasok ka sa 'yong silid at kausapin Ang Diyos ng pag-ibig ay sambahin Ilapat mo ang 'yong pinto at manalangin At ang pangalan Niya ay sambitin Ang tuhod at sahig ay paglapatin Bigkasin ng puso sa lihim Doon 'pakilala lahat mong panimdim Sa Diyos na Maylalang ka dumaing Kung lalapit taglay pananampalataya Nagsisising diwa may pagluha 'Di ka mabibigo sa 'yong pagsamo Mararamdaman sa iyong puso Pumasok ka sa 'yong silid at kausapin Ang Diyos ng pag-ibig ay sambahin Ilapat mo ang 'yong pinto at manalangin At ang pangalan Niya ay sambitin Ang tuhod at sahig ay paglapatin Bigkasin ng puso sa lihim Doon 'pakilala lahat mong panimdim Sa Diyos na Maylalang ka dumaing Ang tuhod at sahig pagtagpuin Saka ka dumaing Ama namin