Alak
Sylvia La Torre
2:29Mayrong magkapit-bahay na nagkakainisan Dahil sa mga batang madalas na nag-aaway Yan ngang anak mong pilyo ang may kasalanan Hindi kumikibo ang Junior ko ay binuntal At ang mga magulang ng mga batang paslit Ang tunay na nag-away nawalan yata ng isip At nang hindi maawat hinuli ng pulis Nagkademandahan hanggang ngayon ay nililitis Kahit saan man dako madalas kong mapansin Kay raming basag ulo mga bata lang ang dahil Kung tunay mang may galit dapat ay magpigil Ang tatay at ang nanay ng bata na nanggigigil Kaya kayong magulang huwag pumaris sa bata Konting lamig ng ulo sa pasensya'y huwag magsawa Ang tunay na matapang mahinahon ang diwa Sa bata ay mag-iwan ng tumpak na halimbawa Kaya kayong magulang huwag pumaris sa bata Konting lamig ng ulo sa pasensya'y huwag magsawa Ang tunay na matapang mahinahon ang diwa Sa bata ay mag-iwan ng tumpak na halimbawa