Bahala Na!
Sylvia La Torre
3:10Manunugtog ay nangagpasimula at nangagsayaw na ang mga mutya Sa mga padyak parang magigiba ang bawat tapakan ng mga bakya Kung pagmamasdan ay nakatutuwa ang hinhin nila'y hindi mawawala Tunay na hinahangaan ng madla ang sayaw nitong ating inang bansa Dahil sa ikaw mutyang paraluman Walang sing ganda sa dagat silangan Mahal na hiyas ang puso mo hirang ang pag-ibig mo'y kayhirap kamtan Kung hindi taos ay mabibigo sa mga pagsuyong iniaalay Halina aking mahal Ligaya ko ay ikaw Kapag di ka natatanaw Ang buhay ko ay anong panglaw Kung may pista sa aming bayan ang lahat ay nagdiriwang May lechon bawat tahanan may gayak pati simbahan Paglabas ni Santa Mariang mahal kami ay taos na nagdarasal Prusisyon dito ay nagdaraan kung kaya ang iba'y nag-aabang May tumutugtog at may sumasayaw mayron sa galak ay napapasigaw Ang pista sa bayan namin ay ganyan Ang saya'y tila walang katapusan Manunugtog ay nangagpasimula at nangagsayaw na ang mga mutya Sa mga padyak parang magigiba ang bawat tapakan ng mga bakya Kung pagmamasdan ay nakatutuwa ang hinhin nila'y hindi mawawala Tunay na hinahangaan ng madla ang sayaw nitong ating inang bansa Kung may pista sa aming bayan ang lahat ay nagdiriwang May lechon bawat tahanan may gayak pati simbahan Paglabas ni Santa Mariang mahal kami ay taos na nagdarasal Prusisyon dito ay nagdaraan kung kaya ang iba'y nag-aabang May tumutugtog at may sumasayaw mayron sa galak ay napapasigaw Ang pista sa bayan namin ay ganyan Ang saya'y tila walang katapusan