Pandangguhan
Sylvia La Torre
3:04Nagtaka ang nanay sa suot kong singsing Tinanong na pilit kung saan nanggaling Ang sagot ko'y alay ng mahal kong giliw Na tanda ng sumpang di na magmamaliw Ngunit ang sabi niya mahiya ka iha Sa suot mong wari'y laruan sa apa Ang binatang tunay sa kanyang pagsinta Ay di mag-aalay ng abang tumbaga Sa pintas ng nanay sa suot kong singsing Patak ng luha ko'y di mapigil-pigil Pagkat di niya tanto ang mahal sa akin Isa lamang pobre na walang makain At sinabi pa niya ikaw ay maghintay Sa binatang big shot gusto ng iyong tatay May brilyanteng singsing sayo'y iaalay Kung ika'y sasama sa harap ng altar Nabasa ng luha ang suot kong singsing Para kong nakita ang kawawang giliw Na kahit na dukha kung di magtataksil Di ko ipapalit sa magarang singsing Bakit ang suyuan madalas ay ganyan Kayamanan lamang ang malimit tingnan Saganang akin nga di ko ipapantay Sa brilyante't ginto ang pagsuyong tunay