Yaman
Mhot
3:57Pa'no makapa't malaman sinong matinik? May palatandaang nasa tipo ng imik Galit na 'di mabiro, agresibo ang giit o sa walang abisong nakatikom ang bibig Pa'no makapa't malaman sinong matinik? May palatandaang nasa tipo ng imik Magbunganga na parang napupuno ng tapang, inuugat pa habang agresibo ang giit Pa'no makapa't malaman sinong matinik? May palatandaang nasa tipo ng imik O magulantang na lamang sa kung ano ang kayang maibuga ng pawang nakatikom na bibig Astang bida na may tira kapag tinanong Papaandarin galing ng imahinasyon Madali nang banggitin ang gagawing aksyon Lalo kung wala pa naman din sa mismong sitwasyon Pag nagpang-abot kakasa at magkakatumbahan daw Parang malabong maagrabyado kapag kumakantsaw Alak pa lalo para mas gago, bawat tungga apaw Hawak ang baso, lakas manakot, 'kala mo gagalaw Kada kumprontang tropahan, 'di papahuling sumali Madalas sobra o lamang, sa usapin wala ni-isang makadaig sa dami ng kayang gawin subalit Halatang boka-boka lang, pag pumapel mahangin Kumakalabit pa nga kuno, sa kaututang-dila, nakikipagpalitan ng putok Kaso lang ningas ay kugon Pag kinapitan ng kutob at nauga, mga salita na naidura magsisibalik sa paglulon Mapanindak ang banta ng mainit ulong gigil Matalim magbabala imbis maghunos-dili Hirap nga lang gampanan, malimit puro bibig Sa ingay lang umiral ang pagiging sugod-bingi Pa'no makapa't malaman sinong matinik? May palatandaang nasa tipo ng imik Magbunganga na parang napupuno ng tapang, inuugat pa habang agresibo ang giit Pa'no makapa't malaman sinong matinik? May palatandaang nasa tipo ng imik O magulantang na lamang sa kung ano ang kayang maibuga ng pawang nakatikom na bibig Bibihirang may aktibong salita't suhestyon Ibahin sa mga tipong sabik sa atensyon Madalas lang nakatikom ang kalmadong matalino mag isip ng tamang kilos sa gitna ng tensyon Sa usap ay matipid, matumal sa parinig Ngunit marunong makatunog na kayang makuha lang sa tingin Pagkapuno lang ang magtutulak na maka-upak nang madiin Gaya ng lutong pag kumulo na, tamang sa nguso ang patikim Hindi maauga ng nginig pagkat ang init nasa loob Inuungusan lang ng ngiti ang mga kilay na salubong 'Di naman puro lang palusob, bakit pa lulugar sa gusot? Kung basag-ulo lang mag-isip, halatang utak ay marupok Mga mabangis na satsat, maihahambing sa amba At 'di basehang binatbat ang mga pasiga na asta Pagiging matikas ay madaling matantsa Nang 'di na kaylangan sabihing may bilang basta may isang salita, sapat na Pa'no makapa't malaman sinong matinik? May palatandaang nasa tipo ng imik Magbunganga na parang napupuno ng tapang, inuugat pa habang agresibo ang giit Pa'no makapa't malaman sinong matinik? May palatandaang nasa tipo ng imik O magulantang na lamang sa kung ano ang kayang maibuga ng pawang nakatikom na bibig