Siklo
Mhot
4:36Sa'n man ako paroon, anumang pasalubong pa Na hamon sa alon ng buhay at kabanatang kasunod, yah Binabalikan ang mga naranasan noong ako'y salat at gutom Mga kahinaang nagpapalabas din ng aking lakas ng loob May ilang mananatili, dami ring mawawala Gugunitain anumang maitatala 'Di man dumating ang bawat sana-nanana Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala Aanhin ang nakamit kung tila 'di raw masaya Sa malaki o maliit na gantimpala-lalala Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga Buhay ay walang tigil na pakikipagsapalaran Buhat din ng pag-ibig kung ba't sumisiglang galawan Sa t'wing nabibigatan, parang hindi na makatagal Mga ngiti ng minamahal, napakabisang pampagaan Nung una wala pang muwang, naduduwag, hinahatid sa eskwela 'Di nagtagal, sa kakulitan, ang dami na ring pumeklat Buti na lang, sa kabila man ng pagiging kulelat Ako pa rin ang pinakamahusay sa paningin ni Ermat Kaya salamat po sa bawat pangaral mo Madalas mang magkasala dala ng masamang asal ko Sa pagtatama at pagbabawal, napaka-angas pa ng pag-angal ko Samantalang wala kang sawang nagpapatawad na may kasamang pagwawasto Kahapong pinaglipasan Parte ng kung sino ka kinabukasan Mas mababatid mo ang 'di inakalang Mararating kung titingin ka sa pinagmulan at mga pinagdaanan May ilang mananatili, dami ring mawawala Gugunitain anumang maitatala 'Di man dumating ang bawat sana-nanana Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala Aanhin ang nakamit kung tila 'di raw masaya Sa malaki o maliit na gantimpala-lalala Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga Sa inay ng aking ina, mga tiyahin at maliligalig na kapatid Mga pinsanin na kasabayang nagsi-laki at kahiraman ng damit Mga kaybigan na malapit, minsan nang nagawi sa mali Muntik madakip ngunit buti na lang may tino pa ring nakatapik Sa kasintahang pakikisama't pag-intindi ang palaging hatid Sa kasunduan kong nasisira, kinikimkim lang ang hinanakit 'Di ko tinitignan na disgrasya aming naging napa-agang paslit Kundi biyaya upang ang aking pagiging pariwara'y masagip Kaya pinilit na maitawid, sa tiis man ay kapit na kapit Nagbukas-palad bawat kaanak, may malasakit na kalakip Alam ko ring anuman ang aking pagbawing gawin para maibalik 'Di na masusuklian ang pagmamahal na walang hininging kapalit Daming naranasan Tila ba antigo na makasaysayan Mas mababatid mo ang 'di inakalang Mararating kung titingin ka sa pinagmulan at mga pinagdaanan May ilang mananatili, dami ring mawawala Gugunitain anumang maitatala 'Di man dumating ang bawat sana-nanana Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga Mas nakilala ang sarili nung minsang walang wala Aanhin ang nakamit kung tila 'di raw masaya Sa malaki o maliit na gantimpala-lalala Yaman ay mas makikita sa pagpapahalaga Sa'n man ako paroon, anumang pasalubong pa Na hamon sa alon ng buhay at kabanatang kasunod, yah Binabalikan ang mga naranasan noong ako'y salat at gutom Mga kahinaang nagpapalabas din ng aking lakas ng loob