Yaman
Mhot
3:57Panibagong araw para sa bagong luwal, wala pang muwang at nalalaman Mga mata na katamtaman pa lang ang naaaninagan, laging inaantabayanan 'Di sila magkanda-ugaga pag ngumawa na, hirap mapatahan 'Di pa gumagana yaong pang-unawa upang mapaliwanagan Mas dapat munang paarawan Tagal ko ring tulog bago pa tuluyan na masipat 'tong mundo 'Kakapagod nga naman ang makipag-unahang maging supling at mabuo Sa simula pa lang likas na yatang magulo Sinulid sa noo, kapag sinisinok Animo'y simbolo na halos butas ng karayom din ang aking nilusot Ngayon kalinga nila ang syang aking pahinga na sinusulit ng husto Masungit na sumpong sa panahong nag-uusbungan na ang mga ngipin Hinaharot na agad mula pagkagising at kusa nang naisip palayaw nila sa'kin, dala ng panggigigil Alam na rin ang kasunod Pag lusog ko ay binati, dapat may pwera-usog Sa mga unang hakbang, ilang ulit nasubsob Pampalubag ng loob, kasama daw sa paglaki ang mauntog Nasasaktan subalit mas lalong nasusubok Gumapang at kumapit sa'n man mapatukod Gabay para matuto kung pano ibalanse mga binti kong gamit hanggang sa humarurot Tila humayo pabulusok Kulit na binabase sa bilang ng puyo ko Kita rin sa dami ng galos saking tuhod Dala ng sinasabing katigasan ng ulo Maglaro lang lagi, walang pake sa gutom Basta makasali, asarin man pag burot Biglang tatawagin, mag-aamok sa utos Tulog sa tanghali para sa'kin bangungot Naiiyak nung hinatid sa unang araw ng klase Naninibago at takot pang makibahagi Hanggang sa manlimahid ang uniporme sa dumi na sya na ring magsasabi kung gano ba kaligalig 'Di naglaon, naging maayos at nagkaro'n din ng panlasa Sa pagbabaro, naging magarbo sa pinapormahang pantasya Dahan-dahang lumaswa ang pagnanasa Pagbabagong magbabaon pa ng mas maraming sala Na kadalasang nagmumula sa tukso ng pakikisama Panibagong araw, panay kabulastugan, 'kala mo lahat ay nalalaman Kapusukan na syang ugat ng kasalanan Mapariwara man, laging inaantabayanan 'Di sila magkanda-ugaga, pag gumagala, 'di malaman kung nasa'n Hanggang lumala, madalas inuumaga, masaya pang sinasayang ang panahon ng kalakasan "Ang hina ko sayo!" Ilan lang sa salita na madaling nagpatango Pakitungo'y tinimbang kaya puro pabigat naman ang sermong natamo Naging mas malapit pa kung sa'n pinapalayo Sa gimik at lango, sarili'y bilanggo Hithitan o lagok, minsan may mga tagpong naging umaatikabo Lahat nag umpisa at nagmula lang din sa mga tikimang patago "Biktima lang po!", kat'wirang pabiro pa sa mapanghusgang paligid Unti-unting pinatino rin ng pag-ibig Buti may kabingig, syang nasandalan nung tumalikod na sa hilig Sa mabilisang pagbuod Nagbunga ng paslit ang dalawang pinagbuklod Nagsama't nagdaan sa sagana at lugmok Ligaya o lungkot, pagmamahalan at samaan ng loob Buhay miserable't dun na nga natutong Kita ay sumahin sa lumalagong konsumo at paggugol Bayaring marami, dapat lumagari bago pa may maputol Hanggang yumabong pa ang puno Nagsanga ang lahi, ugat na may dugo ko Swerte kung sakaling umabot pa sa puntong Masilayan aking mga apo sa tuhod Matandang ulyanin, tanging matutulong Makapagmungkahi ng payo at panuto Sa mga suliraning minsang nasalubong Bago pa sumapit ang aking paghuhukom Mga iyakan pag hatid ng mabagal na karwahe Pagtapos ng buhay, meron pa bang mangyayari? Tanong yan ng marami, nalaman ko ang sagot at ang sunod na bahagi ay 'di ko na masasabi Tayo ba'y kaluluwang may katawan na saplot? Matapos husgahan, parusa ang panaklob Batay sa mga kasalanang nagawa at sangkot O sadyang abo na lang o natakpang alabok Hiwaga o agham, ano nga bang mas angkop? Buhay na walang hanggan ba ay mahahagkan ko? O mabubura lang din mga nangyaring tagpo't Iluluwal na lang ulit sa panibagong anyo