Yaman
Mhot
3:57Teka, magkano ba yan? Ba't parang talo naman? Tinatantsa sa gaan o kinakapa pag nagkakasukatan Sanayan sa ka- Teka mali, mali, hintayin ko yung palo Teka, magkano ba yan? Sa sulok o kulob, ang bawat usok 'wag mong pakawalan Ba't parang talo naman? Kung pagkatuyot ang dulot sa pagmumukha't katawan Teka, magkano ba yan? Naging sunod-sunod hanggang malunod na sa pagka-takam Ba't parang talo naman? Tulad ng suntukang inudyok din ng pagtutulakan Batang napakapayat, madalas nakayapak Sa lugar na talamak, tanda ko pa lahat Ang madaming kaganapan, nangyaring kasalanan nang dahil sa pinaka hinahabol na sarap Matulin pag bangag Bangkang imbis sa tubig, sa apoy tinatapat, tutunawin nang sagad Pag hindi nasundutan, lalong kinaa-atat 'Naknampusa nga naman, batok pinapa-angat Butil na puti, mabisang pampasigla Ngunit sa huli sadyang masasaid ka Kinukumpuni kahit walang aberya Hanggang sa mangunsume pag wala nang baterya Magsalya ng materyal, 'wag lang mabitin sa konte Sabog at mataas lipad kapag naka-doble Parang nuebe at onseng hindi ambulansya kundi dagdag na grasya ang hiling na responde Malungkot lang para sa'kin ang makita ko silang lugmok sa pagkahumaling Mapanood ang paggamit mula sa pa'no maghain Hanggang sa ang patago lalo pang hanap-hanapin Ngunit 'wag mag-alala, pagkat unawa kita Marahil biktima lang din talaga Pag ang lumbay at hirap 'di madala, hagilap ay panandaliang saya Nawa'y wag mo ko tignan bilang isang espiyang naka-mata Kaybigan mo kong galing din sa baba Malasakit para sakin ang magbigay babala, alisin ang pangamba Ako ay bumoboses lamang pero 'di kakanta Teka, magkano ba yan? Sa sulok o kulob, ang bawat usok 'wag mong pakawalan Ba't parang talo naman? Kung pagkatuyot ang dulot sa pagmumukha't katawan Teka, magkano ba yan? Naging sunod-sunod hanggang malunod na sa pagkatakam Ba't parang talo naman? Tulad ng suntukang inudyok din ng pagtutulakan Pag may pruwebang nakuha, 'di ka makakapuga, antimano, siguradong ang kahaharapin Mabigat na parusa, kaso minsan maduga kapag natipuhan kang akusahang salarin Iisa ang itsura, tinatawag na bato, pwedeng bubog o basura tila sumasalamin Sa mga bagay na sadlak din sa lupa kaya wala na ring duda kung ba't nila nagagawang magtanim Kadalasang madagit, mga patingi-tingi lang na kasa at panggamit Samantalang sa pinaka-ugat at kung sa'n ba galing, mailap na parang 'di nila kayang makalapit Malaking kabayaran nga naman ang nahahamig, kapalit ng pangalan na wag lang sana madawit Kaya 'di mapabagsak, yan ay alam na kung bakit Pagkat sa kada sabit, walang nagkaka-laglagan sa palakasan ng kapit Parokyano na sumasamba sa panginoong panalo ang karga pag tumarya Malabo nang tumumal yan o pumalya Anuman ang anumalya, may diyos-amang padrino na sumasalba Teka, magkano ba yan? Sa sulok o kulob, ang bawat usok 'wag mong pakawalan Ba't parang talo naman? Kung pagkatuyot ang dulot sa pagmumukha't katawan Teka, magkano ba yan? Naging sunod-sunod hanggang malunod na sa pagkatakam Ba't parang talo naman? Tulad ng suntukang inudyok din ng pagtutulakan